NOY101

Ang kahulugan ng buhay ay nasa mga maliliit na bagay... yung mga sa tingin natin walang kwenta minsan bumubulaga nalang sa atin bigla, napakahalaga pala... Eto ang mga kawalang kwentahan ng buhay ko...tingnan niyo... malay niyo... mabulaga kayo...

Login (Username/Password) mabinidemolay mail
  • SIGN UP!
  • JOIN MABINIDEMOLAY YAHOOGROUP! (Yahoo ID needed)
  • Monday, October 18, 2004

    Buhay Baliw

    A powerful wizard, who wanted to destroy an entire kingdom, placed a magic potion in the well from which all inhabitants drank. Whoever drank that water would go mad.

    The following morning, the whole population drank from the well and they all went mad, apart from the king and his family, who had a well set aside for them alone, which the magician had not managed to poison. The king was worried and tried to control the population by issuing a series of edicts governing security and public health. The policemen and inspectors, however, had also drunk the poisoned water, and they thought the king's decisions were absurd and resolved to take no notice of them.

    When the inhabitants of the kingdom heard these decrees, they became convinced that the king had gone mad and was now giving nonsensical orders. They marched to the castle and called for his abdication.

    In despair, the king prepared to step down from the throne, but the queen stopped him, sayingL 'Let us go and drink from the communal well. Then we will be the same as them.'
    And that was what they did: the king and the queen drank from the water of madness and immediately began talking nonsense. Their subjects repented at once; now that the king was displaying such wisdom, why not allow him to continue ruling the country?

    The country continued to live in peace, although its inhabitants behaved very differently from those of its neighbors. And the king was able to govern until the end of his days.

    --- Paulo Coelho, Veronika Decides to Die

    Naaalala niyo ba nung high school kayo? Naalala niyo ba nung lahat ng bagay na gawin ng teacher, ng admin, ng lahat ng awtoridad lagi niyong kinokontra? Magmula sa lugar kung saan isasabit ang ID hanggang sa haba ng buhok ng lalake, hanggang sa mga kinokolektang pera sa classroom? Ultimo mga subject mo gusto mo lahat palitan, laging tanong "gagamitin ko ba tong algebra at accounting pag doktor na ko? Bakit pa kasi kailangan isang buong taon basahin ang libro ni Rizal kung alam naman ng lahat ng tao kung ano yung kuwento? Anaknang... apat na taon na akong nag-aaral ng grammar, kelangan pa ba yan?

    Tumatanda ka na, bigla kang namumulat sa katotohanang hindi mo na kayang magsalita ng inggles ng deretso, kahit magsulat kadalasa'y nahahanap mo ang sarili mong nag-iisip ng spelling ng napakasimpleng bagay. Sasabihin mo "tao lang!", pero dumadaplis sa isip mo "paano kaya kung sineryoso ko ito dati... Namumulat ka na sa katotohanan na unti-unti nang nawawala ang tagalog, ang filipino, napapalitan na ng Taglish, at habang binabasa mo to iniisip "Pano kaya kung yung paraan ng pagsulat ni Noy ganun rin yung paraan na magsalita siya, MAKATA, BALIW!"... Nag-uumpisa ka na ng clinic, doktor ka na, nakukupitan ka ng aide mo kasi hindi ka marunong magbasa ng financial statement, iniisip mo "kaya pala..."

    Noong mag-aaral tayo... high school... college... alam natin na pagkagraduate natin mag-iiba ang buhay natin, medyo seseryoso... Pero tignan natin ngayon, maiisip ba natin dati na ganito kahirap yung buhay? Kabaliwan, paano mangyayari na dalawampung resume na ang nasusubmit ko, lima palang ang tumatawag, wala pa akong gusto dun sa limang iyon... Iniisip natin, haaaaaay college, haaaaaaay high-school, saan ka nagpunta.... kay sarap nang walang iniisip na kung anu-ano, kay sarap ng buhay nang hindi nababaliw....

    Ganun nga naman talaga ang buhay, pag bata ka pa, may mga bagay na kapag pinapakinggan mo at pinag-iisipan mo ay halos purong kabaliwan lang, alam nating nandiyan pero hindi natin maamin sa sarili natin na ganun talaga, sino ba namang mag-iisip nung estudyante ka na hindi baliw ang maggugol ng grabeng oras sa english, isang asignaturang binubuhay natin at naprapraktis araw-araw habang nagsasalita...

    Ngayon pag tinitignan natin ang pag-iisip natin noon, ang sinasabi natin "mali pala akong mag-isip dati... immature ako, bata pa kasi eh..." Bigla na lang baliktad na, ang mundong ginagalawan natin ngayon na matanda na tayo, ang iniisip nating baliw dati, binubuhay na natin, sinasampal na tayo sa mukha... at hindi natin malaman kung kapag sinasampal tayo, matatauhan tayo o lalong nababaliw...

    Haaaaaay buhay, ang sarap siguro ng buhay kung lahat ng tao nagkakaintindihan... kung ang mga bata lawakan ang isip na may patutunguhan ang mga kagaguhan, mga kabaliwan na ayaw nilang harapin, at ang mga matatanda ay nakakaintindi na may kagandahan ang pagreklamo, pagkilatis ng mga bata, sapagkat dito sila natututo, sa pagtingin at pagkumpara sa mga nagsasampalang kabaliwan sa buhay... sabi nga nila... kung ang mundo'y walang ilaw, purong kadiliman lang, hindi na kakailanganin ng salitang "ilaw" at salitang "dilim".

    Ang ending ko, buksan ang isipan, buhayin natin ang kamalayan sa iisang bagay na totoong totoo... maaaring magkakaiba tayong lahat, pero kailangan natin ang isa't isa para mabuhay, huwag magalit, huwag tugisin ang kaibahan ng isa't isa, yakapin, mahalin natin ang kabaliwan ng bawat isa sa atin... "Let us go drink from the communal well. Then we will be the same as them."

    "... This time I'm not going to tell you a story. I'll just say that insanity is the inability to communicate your ideas. It's as if you were in a foreign country, able to see and understand everything that's going on around you but inca[able of explaining what you need to know or of being helped, because you don't understand the language they speak there... We've all felt that... And all of us, one way or another, are insane."