NOY101

Ang kahulugan ng buhay ay nasa mga maliliit na bagay... yung mga sa tingin natin walang kwenta minsan bumubulaga nalang sa atin bigla, napakahalaga pala... Eto ang mga kawalang kwentahan ng buhay ko...tingnan niyo... malay niyo... mabulaga kayo...

Login (Username/Password) mabinidemolay mail
  • SIGN UP!
  • JOIN MABINIDEMOLAY YAHOOGROUP! (Yahoo ID needed)
  • Tuesday, October 12, 2004

    Grades: Tiisin o Alisin?

    Eto na... Eto na... malapit na sembreak... isa na lang ang humps na dadaanan para makarating sa lupang pinangako ng estudyante... Finals chong, quarter exam sa high school, mastery test sa grade school (Hello sa aking kaibigan na si Alfred na kakatapos lang magcheck ng Mastery Test, ang tanda mo na pare...). Haaaaay parang yung boss pagkatapos ng stage sa family computer, pag natalo mo may password ka... sa playstation pag natalo mo pwede ka nang magsave.... haaaaay finals, eto na... parang yung huling kanto sa mall na iikutin mo pag taeng tae ka na, makakaraos narin... haaay finals, parang yung huling push-up mo sa CAT, sa ROTC, parang yung huling exit sa highway bago mag-enchanted, parang yung... yung... yung... haaaaaay finals....

    Para sa marami humps sa daan, para sa iba naman dingding, tila kahit na wala kang mali sa exam bagsak ka pa rin... napag-isipan ko bigla ang lagi kong iniisip noong college ako pagdating ng finals, grades pare...

    Kailangan ba talaga? Ito talaga ang dahilan ng pamomroblema natin pagdating ng Oktubre... para sa iba na ang ugali ay sa mga exam lang magpupursige (umamin na, umamin na...), napakahirap ng buhay finals dahil sa grades, para kang Ateneo nagpatambak sa first half, hindi na tuloy mahabol... parang kumunoy (quicksand, bobo), na minsa'y paglalo mong pinipilit, lalo kang natatambakan, lalo kang nagkakamali... haaaaaay Ateneo (huy Noy, grades ang pinag-uusapan....) Ah, oo nga pala...

    Lagi nating napag-iisipan diba? Paano kaya ang buhay na walang grades... walang pinoproblema, walang hirap, walang kahit ano... kahit ganang mag-aral wala na... totoo kaya? O hindi kaya mas gaganahan ang mag-aaral kung walang ibang iniisip, walang pinoproblema, leksyon lang talaga...

    Hindi ba't mas kakayanin natin mag-aral kung talagang ang pinag-aaralan lang natin ang pinag-iisipan natin at hindi kung papasa tayo o hindi? Ilang beses nangyari sa klase na naputol ang isang napakagandang diskusyon, isang napakagandang debate, diskurso, dahil ang sabi ng guro "mahuhuli na tayo, kelangan natin matapos lahat bago mag-exam"... Pag-isipan natin, di ba't sa mga diskurso, sa mga debateng ito na nangyayari sa classroom, di ba't dun natin nararamdaman na nasa loob tayo ng leksyon? Di ba't doon natin nararamdaman na nalulunod, nakababad tayo sa mga kaalamang dapat nga nating matutunan?

    Aminin nating lahat, hindi lahat ng matataas ang grades sa paaralan ay nagiging matagumpay sa tunay na buhay... May naikuwento sa akin, mag-aaral ng Ateneo, gumawa ng marketing plan para i-relaunch ang pepsodent "naaalala niyo pa? ang tanda niyo!". Bumagsak sila sa panel, hindi daw maganda ang campaign nila dahil walang kaugnayan masyado sa produkto... nasaan sila? P and G pare, six figures ang kinikita, hindi kasama decimal point chaka comma ha...

    Hindi pa natin napapag-usapan ang mga dakilang milyunaryo ng pilipinas, diba shoe shiner lang si Henry Sy? Sabihin mo ngayon sa kanya na ang taas na uno ka sa calculus, na ninety nine ka sa trigonometry, isasampal niya sayo ang lahat ng SM sa Pilipinas... Magpakuwento ka kay Gokongwei ng grades, halos wala siyang maikukuwento, iba ang ikukuwento niya, Jack and Jill, Nissin's Ramen, Cebu Pacific, Manila Midtown, Robinson's Galleria... Totoo nga, may mga tao na ginagawa na lang, hindi pang-eskuwela...

    Pero hindi patas ang laban... dapat isipin rin natin ang iniisip ng guro. Marami akong kakilalang guro na hindi naniniwala sa grades bilang sukat ng natutunan, pero marami sa kanila ang nagsasabing kasabay nito, kailangan pa rin, "necessary evil" nga daw.

    Isipin na lang natin ang mundong walang grades, paano mo malalaman kung alam nga talaga ng mag-aaral, kung natuto nga sila... Oo, alam ko na hindi rin natin masyadong malalaman nang eksakto kung natuto nga sila kung gagamitin na sukat ang exam, ang quiz, ang homework, pero pano kaya kung walang grades... kutob nalang ng guro kung papasa ka o hindi? O kung hindi, lahat ng tao gagraduate? Papaano malalaman kung sino valedictorian? Pero teka, ang valedictorian nga ba ang pinaka magaling talaga? Haaaay finals... ang rami mong tanong na naungkat...

    Para sa akin, ang grades ay importante, pero higit sa kahalagahan ng grades ay ang kahalagahan ng pag-unawa ng bawat isa sa atin na hindi buong pagkatao, hindi buong kagalingan natin ang sinusukat ng grades... sa tingin ko'y importante na magpakahirap, magpursige, mainis kapag mababa ang nakuha, pero hindi sobra sobra na tayo'y magmumukhang grade (alam niyo na kung ano ibig kong sabihin diba? may naiisip na kayong tao diba?), na ang buhay college, ang buhay high school, ang buhay iskuwela natin ay umiikot sa mga letra o numero na isinusulat ng mga guro natin na hindi naman tayo ganun ka kakilala... hindi ba malungkot isipin kung ganito nalang ang magiging buhay natin sa paaralan...

    Sa madaling salita, mahalaga rin na huwag natin sabihin sa sarili natin, "ok na ang buhay ko, ok naman ang inuuwi kong grades sa magulang ko eh..." pag-isipan natin, diba kung ganito ang ugali natin, para narin tayong mukhang grade?

    May mundo pa pagkatapos ng finals, may mundo pa pagkatapos ng pag-aaral, may mundo pa pagkatapos ng grades... habang nag-aaral pa, ang hamon siguro ay ikutin rin natin ang mundong ito... unawain rin ang buhay sa labas ng libro, intindihin rin ang pakikipagkapwa sa mayaman man o mahirap, matutong magtrabaho nang maayos, maging sa bahay, sa organisasyon, matuto ng disiplina hindi lang sa pag-aaral, matuto ng responsibilidad sa lipunan, matuto ng salitang kalye, matutong kumain ng kwek-kwek, matutong uminom nang tama, tanggalin ang masama at gayahin ang mabuti... sa madaling salita, ang mahalaga sa buhay ay MATUTONG MABUHAY... Huwag tayong pakukulong, huwag tayong pakakahon, hindi lahat ng bagay nagegreydan...


    Sunday, October 10, 2004

    Bagong Istorya, Lumang Tugtugin

    Ely = Hopeless Romantic , Lasenggo
    Chito = May kaya pero pusher, adik, tamad
    Aling Nena = Tindera
    Barbie = Anak ni Aling Nena, Hayup sa ganda
    Bamboo = Barkada ni Ely, pranka, mainitin ang ulo

    Linggung Linggo, Lasing na naman si Ely, kakauwi lang niya at nakalugmok sa kama... nag-iisip tungkol sa minimithing dalagang hindi pa nakikilala (in short, gustong manchicks)... pero romantiko chong eh, kaya...

    Ely: (Pakanta kanta) La, lalala, lalala... Sa panaginip lang ako nakakatulog... la, lalala, lalala, sa kaiisip ko sayo, nalimutan ko nang mabuhay, at untiang namamatay, paikot-ikot ikot ikot ikot ikot... WHOA! Hilo sa panalangin....

    Habang nahihibang sa pag-ibig si ely sa babaeng hindi pa naman niya nahahanap, andun naman si Chito sa bahay niya... Si Chito....Walang ginawa kundi magTV babad, nanggagago ng tao sa telepono hanggang umaga, Linggo na't hindi pa siya nagsisimba, umipon na ang kanyang pagkasala, Saksakan ng utang sa may karenderiya, may kotse sa garahe, pero walang panggasulina, di maiwasan hindi mapagalitan, sa bisyong di matanggap ng magulang, nangklepto pa ng marijuana galing baguio, nakipagsuntukan sa tabi ng bicutan....

    Ngayon siyempre, nakalugmok rin sa kama, pinag-iisipan lunes na naman bukas, itutuloy na naman niya ang buhay na walang kuwenta....

    Chito: Haaaaaay Lunes, eto na... ang oras ay bumibilis, kumakaripas, naghihintay nalang kasama ng ulan... At ayokong magising, sa umagang nangaakit pagbuksan naninimtim, di alam, walang patutunguhan....

    Hindi nila alam habang natutulog sila'y nilapitan sila pareho ng guardian angel ni Barbie, ang hayop na dalagang bukas ay makikilala na nila... Tila nagpapakilala ang mapaglarong anghel...

    Angel: I am the one, the untouchable, needless but wanting, whole but alone... I only know you from a distance, on some nights you wake up and you look at me, my light touches you with my words, and caresses you with my song, this makes you happy, this makes you sad... I wonder how long you would be sleeping...

    Nagising si Chito at si Ely, magandang gising, gising na nagaabang ng magandang araw...

    Hapon na nang nagtutumakbo si Ely sa bahay ni Bamboo, may black-eye, pasa pasa..

    Bamboo: Gago! anong nangyari sayo? magkasama lang tayo kagabi ha...

    Ely: Kasi Chong, Nagpunta ako sa tindahan ni Aling Nena para bumili ng suka, pagbayad ko aking nakita isang dalagang nakadungaw sa bintana, natulala ako, laglag puso ko chong, pati yung sukang hawak ko nahulog... Eksakto may dumating payat pare, mukha ngang adik eh... nagpapaawa siguro para bigyan ng pagkain... mukhang gago pare nakakainis...

    Chito: Patingin-tingin, di naman makabili... patingin-tingin, di makapanood ng sine... walang ibang pera kundi pamasahe... nakayanan ko lang pambili ng dalawang yosi.... Paamoy-amoy, di naman makakain, busog na sa tubig, gutom ay lilipas din... patuloy ang laboy, walang iisipin... Kailangang magsaya, kailangang magpahangin... Nakakainis ang ganitong buhay....

    Ely: Shempre, ako pare, wala akong pakialam sa kanya... nakita ko na yung Barbie ng buhay ko eh, Barbie nga pala pangalan nung chick chong... so sinuyo ko na agad, kahit amoy suka ako... Inenglish ko pa nga para may dating eh...

    Ely: Barbie, You're the one who never let's me sleep, through my mind down to my soul you touch my lips, you're the one that I can't wait to see, you here by my side, I'm in ecstacy... I am all alone without you, my days are dark without the glimpse of you, now that you came into my life, I feel complete, the flowers bloom my morning shines and I can see...

    Barbie: ganda ng kanta, pero ambaho mo, amoy suka ka... YAK!!!

    Ely: Eh yun pare, biglang sumingit yung epal na adik, nakilala ko na siya, kunwari pa siya mahirap lang siya, eh si chito pala yung pusher diyan sa may kanto tol, diba dekotse naman yun, epal talaga...

    Bamboo: o, so ano namang sinabi niya...

    Ely: nangenglish rin pare... talbog nga ata ako eh, nakakaasar...

    Chito: It took one look, then forever lay-out in front of me, one smile, then I died, only to be revived by you, there I was, thought I had everything figured out... goes to show just how much I know bout the way life plays out, I take one step away and I find myself coming back to you, my one and only, one and only you...

    Barbie: Buti pa siya, hindi amoy suka... mas magaling pang magenglish... bango pa, nakakahigh.... haaaaaaaay.....

    Ely: Ha? Eh adik yan eh, si Chito yan yung pusher dun dimobakilala, drop out na yan.... bawat klase niya'y tinutulugan, pumapasok ang para umabot sa attendance, matinik sa chicks, sobrang pilyo pero bobo, pagdating sa kalokohan siya ang number one, di paiiwan, nangklepto pa nga yan ng marijuana galing baguio eh, nakipagsuntukan sa tabi ng bicutan, pero nahuli lang, siya habang nangungupit sa Ayala....

    Chito: Teka lang, saglit, wag ka ngang makulit, kung ayaw mong masipa sa mukha ng malupet, baka makatikim ka ng sarswela de kamao na sinlisto el de gato sa gulpihan de con todo...

    Ely: Talaga? hindi nga, tatawa na ba ako, hindi porke Koryano ka magaling kang magtaekwondo, wag kang mag-aangas sa lalaking may balbas, kami yung mga tipo na hindi umaatras...

    Bamboo: GAGO! wala ka namang balbas ah...

    Ely: oo nga eh... talo pako sa suntukan kamo...

    Bamboo: kasi.... you talk too much, motherfucker hush... you had a chance to change things move in the direction of right choose to set the bar, but then you had to pick a fight...

    Ely: Sorry na, may black eye na nga eh....