NOY101

Ang kahulugan ng buhay ay nasa mga maliliit na bagay... yung mga sa tingin natin walang kwenta minsan bumubulaga nalang sa atin bigla, napakahalaga pala... Eto ang mga kawalang kwentahan ng buhay ko...tingnan niyo... malay niyo... mabulaga kayo...

Login (Username/Password) mabinidemolay mail
  • SIGN UP!
  • JOIN MABINIDEMOLAY YAHOOGROUP! (Yahoo ID needed)
  • Saturday, October 09, 2004

    Cable TV, Anong Ginawa Mo?

    Magkano kaya kailangan para magpalabas ng commercial sa tv? Hindi ko alam kung ganun pa rin talaga ang halaga, pero nung huli kong rinig, ilang milyong piso ang kailangan para sa isang buwan na pagpapalabas, depende pa kung anong oras mo ipinapalabas....

    Kung ganito nga talaga ang halaga at tumataas pa sa panahon, hindi ba natin napag-iisipan ang epekto ng Cable TV sa mga kumpanyang nagpapalabas ng commercial?

    Pagbigyan niyo ko.... diba lima lang ang channel dati? Sabi nga natin, pagnagkukuwentuhan sa classroom o sa trabaho, madaling magkaintindihan dahil kaunti lang talaga ang ipinapalabas nung panahon na yun... Masarap pagkuwentuhan ang Voltes V, Daimos, Wrestling, at kung anu-ano...

    Pero diba, kasama na rin dun yung mga commercial... diba hindi natin nakakalimutan halos yung commercial ng RA Home Video na may lumalabas na kamay ng zombie? Magpakalunod tayo sa isyung ito, mas madalas ngayon na kapag may napagkukuwentuhan na commercial, konti nalang ang mga nakakarelate, kasi ang raming channel diba? Kadalasan ang mga pinapanood natin iba-iba na, pati yung mga commercial na napapanood natin ang rami na, madali nang kalimutan ang mga padaan-daan lang na advertisement....

    Grabe nga naman ang cable... grabe ang ginawa niya sa "economics of marketing"... ang commercial na binabayaran mo ng ilang milyong piso para mapakilala ang produkto mo sa mga tao, hindi na masyadong napapanood... Buti pa dati, lima nga lang ang channel, walang masyadong choice, pero sigurado ka sa commercial mo, alam ng lahat pag magaling ang pagkakagawa... Pag-isipan natin kung ano yung mga pinaka-memorable na mga commercial at sigurado ko, mas marami tayong maaalala nung panahon na wala pang cable...

    O sige na, tutulungan ko na kayo... naaalala niyo ba tong mga to?

    Lumayas yung anak kasi sinira nung tatay yung gitara niya, tapos nagkabati sila nung tumawag yung anak galing sa phone booth ng PLDT "Sa bawat tawag mo, napapawi ang lungkot... sa bawat tawag mo... sumisigla ang puuussoooooo...."

    Oh nano nano, it drives me crazy, I really love what it does to me, sweet sour and salty, nano nano, nano nano...

    You wanna see what happens in a bag of nips, what goes on before they touch my lips, they make a rainbow (chocolate nips), a choco rainbow, (chocolate nips), and then they color all the flowers and they paint the trees, they're sweet and delicious look at all those bees, when I want fun I get a bag of nips and make a rainbow! Nips nips!

    Dragon katowl, dragon koong umusowk, lamowk siguradowng teypowk...

    It's not easy to be a nugget, you look like all nuggets do, they don't know what really matters is what's inside of you, I'm a purefoods chicken nugget, more chicken under my shell, a chunky, juicy, chicken delight, in every nugget bite...

    Nanay, nanay don't you cry, sa allowance ko pwede nang mabuhay, dahil sa chowking, meron meals tigtwenty nine ang pansit twenty five pesos lang, sixteen pesos can buy siomai, merienda noodles twenty four lang inay, chicharap fourteen fifty, halo-halo twenty four only, nanay nanay to you I sing, affordable and eatable sa chowking! (ang mura pa no?)

    Si Lita, anak ni Mang Teban, Kinidnap, ng mga tulisan, habol, mga katoto, at sa paghabol ay pumipito...

    Diba hanggang ngayon alam mo na ang royal tru-orange may beta-carotene panlaban sa cancer? Dahil Kay Francis M yun! Ito ang gusto ko!!

    Sama-sama nating abutin, pinakamatayog na bituin, at ang ating tagumpay, tagumpay ng ating lahi, tagumpay ng ating lipi, ang tanging minimithi at hinahangad, hangad kong tagumpay nating lahat...

    I remember yesterday, the world was so young (go dance with lola)...

    Si Nova Villa... 3d supermatic, plantsang thermostatic, 3d supermatic, may settings 1 to 6, 3d supermatic, di nag-ooverheat kahit anong fabric madulas walag dikit... 3D SUPERMATIC! Life-time heater plane, matipid matibay 3d, supermatic... wlang lusot ang gusot sa 3d supermatic...

    Superwheel... si Nova Villa uli, Labadami- labango... Labanayad din...

    Si alice dixon umiikot yung isang balikat sabay (I can feel it!)

    I'm gonna knock on your door, ring on your bell, tap on your window too!!!

    Knorr Chinese Soup! (There are Chinese soups and there are chinese soups, but there is nothing like Knorr Real Chinese Soup!) ...Just add one egg!

    Diba? ilang taon nang hindi lumalabas yung mga commercial na yun? Bakit natin naaalala? Sulit na sulit siguro yung mga Pilipinong kumpanya na nagpalabas nun dati, hanggang ngayon nagagamit nila yung pinambayad nila... Haaaaaaay....

    Thursday, October 07, 2004

    Usapang Cheeseburger 3: Mukha

    Memories of College...

    Ano ba Noy! Cheeseburger na naman?

    Cheeseburger ng Mcdo, hay napakahiwaga... kahit pare-pareho tayo ng cheeseburger na kinakain, magkaiba lahat... lahat... panlasa, pagdanas, kahit pareho ang balot, pareho ang itsura... iba sa bawat isa diba? Parang mukha....

    Oo nga, parang mukha...

    Hindi ba natin natatanong kung bakit magkaiba ang mukha ng bawat tao? Diba kahit magkambal, pagnakasama mo mamumukhaan mo pa rin... "mamumukhaan"... napakaimportanteng salita.... kilala natin ang bawat taong kilala natin dahil namumukhaan natin sila, tingnan palang natin dumarating na sa atin ang larawan ng isang taong naging kaklase natin, kalaro nung bata, kapatid, asawa.... dumarating na sa atin ang suma total ng lahat ng karanasan natin kasama ang taong yun.... dumarating na sa atin ang mukha... namumukhaan na natin....

    Gawa ng diyos ang pagkakaiba ng mukha nating lahat.... tanda na kagaya ng mga karanasan natin sa cheeseburger ng mcdo, walang dalawang mukha ng tao ang magkaparehas... maaaring magkakort, magkahawig, may kaibigan nga ako kamukha ni koy banal, ni mac cardona chaka ni cutler eh.... pero kailanman hindi nagkakapareho...

    Mukha... tanda na ang bawat tao, may pagkataong iisa lang, kanya lang... Importante ang tao diba?
    Mukha.... tanda na importante ang tao...

    Pinapaalala sayo na ang tatay mo, kaiba sayo, kaiba sa kapatid mo.... pinapaalala sayo na hindi ka si aga muhlach, na hindi ka si cameron diaz, pinanggagalingan ng pagkakaiba ng tao, hindi lang sa itsura, kundi sa pagkatao.... IKAW KA!

    At dahil ipinapakita nito ang pagkakaiba ng bawat isa, nagbibigay daan ito sa pag-unlad gamit ang mga pagkakaiba na ito, hindi ka magulang mo, pero diba sila ang una mong inidolo? hindi ka si Samboy, pero diba siya yung dahilan kung bakit nahilig ka at gumaling kahit papano sa basketbol?

    Nagbibigay-daan rin para sa di-pagkakaunawaan... wag na nating pag-usapan yun, alam na nating lahat ang nararamdaman natin tuwing nakikita natin ang kaaway natin... at wag niyo rin ako tanungin kung bakit nakikita ko palang ang mukha ni Boy Abunda, kahit na wala siyang ginagawa sa akin parang naaasiwa na ako...

    Pero diba mukha rin ang nagsasabi sayo, hindi mo to puwedeng saktan... tao to... may sarili.... may dignidad... nag-aaway ang dalawa kong kabarkada, nagkasuntukan, sabi nung isa "PARE, Ba't sa mukha?" haaaaaay... diba mukha rin ang nagtuturo sa atin, hindi lang tayo ang nabubuhay, ang mundo ay hindi tungkol sa atin... kailangan ng malasakit sa kapwa..

    Mukha.... tanda ng puso... PUSO! Bakit mas naiintindihan natin ang chat kung may emoticons?

    Pagbigyan niyo ko, baliktarin naman natin... hindi ba't kasabay ng pagiging pruweba ng pagkakaiba ng tao, ang mukha rin ang nagsasabi sa atin ng mga bagay-bagay tungkol sa sarili? Kapag nakikita mo ang kapatid mo, diba nakikita mo sa mukha niya na ikaw lang ang nakakakilala sa kanya ng pagkakilala mo sa kanya? Ang ibang tao, iba ang pagkakilala sa kanya, sayo lang ang pagkakilala mo... ikaw na yun, diba? Ako lang ang magiging Noy sa inyong lahat... kagaya ng pagiging kayo ninyo....

    Ipinapakita ng mukha ng ibang tao na tayo tayo.... ipinapakita ng mukha ng kapatid natin kung anong klase tayong kapatid...

    Matanong ko nga, diba pag bumagsak ka sa isang subject hindi mo matingnan ng diretso ang mukha ng magulang mo?... dahil kasabay ng mukha nila bilang tandang maayos silang magulang... nakikita mo rin sa mukha nila ang kakulangan mo bilang anak...

    Diba, kapag madalas nating makita ang mga pagkakamali natin sa isang tao ang sinasabi natin... "Wala na akong mukhang ihaharap sayo..." sa rami ng atraso, sa rami ng pagkukulang, nakakabit natin ang pagkatao natin sa pagkakamaling iyon dahil totoong nangyari...

    Mukha.... tanda ng puso... tanda ng kaluluwa.... tanda ng tao....

    Ang hamon, chong... lahat ng taong kilala natin, dapat namumukhaan natin, sa paggawa ng maayos sa kanila at sa lahat... paggawa ng tama, sa pagmalasakit at pagkuha ng mga tamang ugali ng ibang tao, sana sa ending, mamukhaan natin ang sarili natin, at magandahan tayo sa nakita natin....

    Monday, October 04, 2004

    A Poem Answers a Poem

    http://kalowee.blogspot.com/

    sometimes I wish so much that i could forget
    the things that give me such unequalled grief
    i wish not to remember them and yet
    they come to me unwelcome like a theif
    they come when i from company withdraw
    when i, in silence and in quiet, stay
    they come so deathly silent but they gnaw
    through my heart as a rodent to its prey
    they send me plunging down the deep ravine
    where lies the failures of my anguished life
    that in despair i sigh for what might have been
    a life unhindered by a single strife..


    http://noy101.blogspot.com


    Impossible strife, life does apply
    To those stolen moments, alone we lie
    The trap, my friend lies deep in you
    when escape is looking for something to do

    Though your friends are there and are sure to heed
    You can't always be with friends to bleed.
    For hours a day alone we sit,
    that's when all the troubles hit

    The challenge is to see it through
    to say I'll cry, I'll bleed, but I'll beat you
    For in the end, when all advise
    had been absorbed, had been heard twice
    All that's left for trouble's spawn
    Is kill it yourself, yes... Head on....

    Sunday, October 03, 2004

    Sumunod na Lang Kasi Eh... Reklamador na Pinoy

    "Pebrero bente sais, nang si Apo ay umalis, ngiti mo'y hanggang tenga, sa kakatalon napunit pa ang pantalon mo, pero hindi bale, sabi mo, marami naman kami, kahit na amoy pawis, tuloy pa rin ang disco sa kalye... Kumusta na, ayos pa ba, ang buhay natin, kaya pa ba? eh kung hindi? Paano na? Ewan mo ba? Bahala na..."

    1986: Ipinakita ng mga Pilipino sa buong mundo ang isang bagay na hindi pa naipapakita ng ibang bansa kahit kailan... Nagpaalis sila ng isang diktador na napakalakas nang walang dugong dumanak pumalit sa diktador na ito ang kauna-unahang babaeng pinuno ng anumang republika, asawa ng yumaong senador na matigas na nakipaglaban sa mga di-karapatdapat na kagagawan ng diktador, tinaguriang isan bayani... ipinanganak ang katawagang "people power".

    2001: Ipinakita ng mga Pilipino sa buong mundo na may kakayahan silang bumoto ng isang taong hindi nang-alipin sa kanila ng dalawampung taon kagaya ng dating diktador, ngunit isang aktor na ilang milyong boto ang lamang sa kalaban ng huling eleksyon. Ipinatunayan rin ng Pilipino na kaya rin nilang ipatanggal ang pinunong ito sa isang iglap. Nandun ako, college ako nun, nandun ako... nakatuwang isipin ang pakiramdam na magkakasama kayong mga Pilipino sa iisang direksyon... ngunit ipagpaumanhin, hindi ba't nakakatawa rin?

    Wala pang isang taon ang lumilipas nagkaroon na naman ng tawag ng iba'y EDSA tres. Maaari nating kilalanin, maaari rin namang hindi. Ang mahalaga ay nangyari... may mga nasunog na bahay, may mga tumaob na kotse, may mga pinagsisisirang presinto, at siyempre, walang puwede makakalimot kay kasamang Jiggy "MIKE, TINAMAAN AKO!!! SHIYET!"

    Ang Pilipino ay hindi na bagito pagdating sa pagreklamo. Oo, siguro'y hindi dapat tinatawag na reklamo ang iba sa mga ito, sinasabi lang naman kung ano ang nararapat at kung ano ang hindi... kung walang magsasalita pano magbabago? Napakahalaga ng pagtutol sa mga hindi karapat-dapat na batas, ordinansa, o simpleng regulasyon para sa ikauunlad ng anumang bansa...

    Ang madalas kong tanungin sa sarili ko ay ganito... kahit ba ang isang napakaganda ang napakasagradong pangyayari sa ating kasaysayan kagaya ng 1986 revolution ay kayang bumuo sa mga Pilipino ng isang ugaling bulok na makakapigil sa pag-unlad?

    Sa panahon ngayon, kahit hindi ka magbasa ng diyaryo, alam mo na kung ano ang ugali ng Pilipino sa gobyerno at sa mga ahensiya nitong nagpapalakad ng mga batas at regulasyon. Kailan ka huling nakarinig ng bagong batas na ipinasa na ang unang reaksyon ng tao ay yung positibo? "Ginagawa lang naman nila yan dahil gusto nila ng cut eh..." Totoo man ang mga paratang nating ganito (madalas totoo), hindi ba't isang malaking balakid pa rin ito sa pagsulong ng bansa kahit papaano? Kahit ano bang gawin ng Pilipinong pulitiko na batas ay maaaring pag-isipan ng masama ng mamamayan? Ang sagot: isang malaking OO.

    Ito ang nakakalungkot isipin, ang bansang wala nang tiwala sa pamahalaan ay walang mararating kahit konti kung hindi bumalik ang konting tiwala... maaari sigurong mag-umpisa sa pagsunod sa mga batas kahit alam natin na may malaking pag-asang nalalamangan pa rin tayo...

    Ang mahalagang tanong.... ang bansang napatunayan na na kahit anong gobyerno'y kayang patumbahin ng taumbayan, sa bansang alam na ng lahat na sa kahuli-hulihan ay tao rin ang mananalo, kaya pa ba ng mamamayan sumunod sa pamahalaan? Kaya pa ba nating mga Pilipinong hindi magreklamo? Kaya pa ba nating sumunod nalang?

    Mahalaga ba ang pagsunod sa batas? Oo naman... Mahalaga rin ba ang pagtulung-tulong para malaman ng pamahalaan ang mga mali nila, oo rin... Ang tanong na nagpapabagabag saki ay ito... Kaya ba ng Pilipinong pagsabayin? Hindi lang yung puro reklamo...

    Sumunod na kang kasi eh...