NOY101

Ang kahulugan ng buhay ay nasa mga maliliit na bagay... yung mga sa tingin natin walang kwenta minsan bumubulaga nalang sa atin bigla, napakahalaga pala... Eto ang mga kawalang kwentahan ng buhay ko...tingnan niyo... malay niyo... mabulaga kayo...

Login (Username/Password) mabinidemolay mail
  • SIGN UP!
  • JOIN MABINIDEMOLAY YAHOOGROUP! (Yahoo ID needed)
  • Thursday, September 30, 2004

    Usapang Cheeseburger 2 - Bagay Nga Lang Ba?

    Cheeseburger ng Mcdo, kasama buong buhay, naging karamay sa iba't ibang karanasan na minsa'y napakaliit lamang sa pagkamalay, minsa'y napakatinding lungkot ang naramdaman, minsa'y naging kasama sa sigla at pagdiriwang...

    Nagkaroon na ba kayo ng Mcdonald's birthday? Ako hindi pa... pero naiisip ko na kung nagkaroon ako ng ganun magiging isa siguro sa mga birthday ko yun na hindi ko makakalimutan...

    Ganun talaga ang mga maliliit na bagay, siguro kapag pinagsama natin lahat ng cheeseburger sa buhay natin, ang rami siguro nating maaalala... sabi nga nila, kung makakapagsalita lang yung bahay mo, yung kuwarto mo, yung kama mo (uy napangiti! baboy!), ang rami-rami sigurong kuwentong maisasalaysay ng bawat isa... Ito nalang siguro ang dahilan kung bakit umiiyak ka kung lumipat ka ng bahay, kung bakit may kakaibang pagkalasing ang kamalayan mo kapag pumapasok ka ng Bene, ng Ateneo (ay ako pala yun), mga eskuwelahang pinasukan niyo...

    Yung playground na may anim na malalaking ring ng semento parang tunnel... kahit bawal sumampa sampa parin... sa gitna ng playground may maliit na tree stump na minsa'y pinagkarate kid-an ko (hindi, hindi ako nahulog)...bakit kapag pumupunta ako sa gym ng Bene naaalala ko na ang tawag pa sa gym nayun dati "new gym", yung katabi covered courts... dun ako naggraduate, dun ako sinabitan ng medalya ng mahal kong mama...

    Bakit kapag pumapasok ako sa canteen namin, ang ERVoir, naaalala ko nung tatlong piso lang yung maliit na coke... nung may pizza na single slice, double, triple, at ang pinakatamang ingles sa lahat, ang porpol sandwich (apat na slice pinagpatong)... bakit ang naaalala ko ang shawarmahan, ang mongolian, ang sizzling (bakal o styro?)...

    Bakit kapagnagkukuwentuhan kami ng mga kaibigan ko, bumabalik sa amin ang mga maliliit na bagay nung dati... lima palang ang channel nun, kaya sa classroom kapag may pinaguusapan na palabas, alam ng lahat diba? Hindi lang si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior, pati na si Bad News Brown chaka si Koko B. Ware ang mga pinapanood namin dati... Bakit laging lumalabas na mas maganda ang lion team kaysa sa vehicle team ng voltron? pero kahit anong gawin nila hindi parin nila tatalunin si Voltes diba? Bakit kahit banas na banas na tayo sa pangalang Erika at Richard pinapanood parin natin ang isang robot na bentilador ang boobs...

    Bakit pinagkukuwentuhan lagi nung hindi pa masyadong sikat si Michael V., tropang trumpo pa... Battle of the Brainless... United Merican Diki-diki... wash your bikini brief... payabangan pa kung sino pa ang nakakaalala ng Valiente, Anna Luna, Agila, Ula (aminin naaaaaaaa.... nanood din kayooo.....). Bakit pinag-aawayang kung ano ang mas maganda sa visionaries, inhumaniods, centurions o silverhawks (visionaries naman talaga diba?)... Bakit naglalaban kung alin sa comic strip ang pinakamaganda at naiinis paghindi yun yung palabas... (uy nag-iisip, apat yun....)

    Bakit inaalala pa ang tono, ang lyrics, pati na ang mga galaw ng mga sayaw (marami to...): Howgee (tenentenen!), Informer, Angelina, Oh Carol, Macarena, Shalalala, Hello Africa, Ice Ice baby (press release, memorize yun ng kuya ko!!!AHAHAHA), supersonic, You can't touch this, pray...

    Bakit inaamin na kahit baduy nagustuhan natin yung mga: I swear, Fixin a Broken Heart (SHET TAMA NA!!), It might be you, Forever (damage), Lost in Space at iba pa....

    Sige isip... nakakapagpangiti diba? hindi mo maipaliwanag... kahit pagnapakalungkot ninyo mapapangiti kayo? Bakit kaya?

    Ang mga maliliit na bagay ba na ito ang gumawa sa buhay natin? Sa pangmalakihang larawan, HINDI naman talaga diba? Pero mga larawan sila na nagsasabi sa atin na naging bata tayo, naging masayahin, naging mahilig sa gintong pagkain, naging tayo.... tunay na tayo... Nakakangiti dahil ibang iba na tayong lahat ngayon, malamang kung anuman tayo nung bata tayo ay tuluyan nang nawala kasama ng panahon at karanasan... pero nakakapagpangiti dahil ang mga maliliit na bagay na ito ang bumubuhay sa dati nating buhay, bumubulaga sa atin sa mga ugaling nakalimutan na nating naging ugali natin, mga iba't ibang pagkatao natin na talagang nangyari...

    Ang hinihingi ko siguro sa inyo, payong kapatid kung gusto niyong tawagin, wag nating itapon kahit ano sa mga alaala, wag magsayang ng cheeseburger... hindi natin alam sa mga susunod na mga suliranin natin sa buhay, kakailanganin natin ilabas yung emosyong naramdaman natin nung namatay si ultimate warrior dahil binuhat niya si andre the giant, hindi natin alam kung kelan kakailanganin natin tawagin yung pagkatuwa nung una tayong nakatiikim ng nerds sa canteen...

    Sa madaling salita, huwag nating itapon ang pagkabata natin, ang karanasan natin... Tayo rin yun...

    Wednesday, September 29, 2004

    Starbucks vs Nescafe : Mall at Sari-sari store

    Nagkaroon ba kayo ng pangarap dati na magmay-ari ng sari-sari store? Puwede niyo kong tanungin, "San na naman nanggaling yang tanong na yan, Noy? Eto na naman, pagbibigyan ka na naman diba? Sige, magsalita ka na at nang matapos na, haaaaaaaay."

    Habang lahat tayo ay nag-aaral ng high school, college, ano ba ang mga pinapangarap natin? Maaaring mali ako sa ibang tao, pero tingnan ko lang kung swak yung paglarawan ko.

    Pagkagraduate ko, magtatrabaho ako sa maayos na korporasyon... Proctor and Gamble... kung sinuwerte Accenture, J. Walter... Simpleng pangarap lang, makapagStarbucks lang na sarili kong pera gamit ko, makapagmall at bumili ng isang bagay linggu-linggo, paminsan-minsan magmamagandang restaurant, yun... trabaho pa rin... Kung magkakaroon ako ng negosyo gusto ko bar, gusto ko restaurant, gusto ko sobrang innovative pagnakita ng mga kaklase ko dati sasabihin nila "Chong kaklase ko may-ari niyan dati."

    Lehitimong pangarap, laganap na pangarap, karaniwang pangarap... yung mga mahihirap ganito rin kaya ang pangarap nila? Yung 90% kaya ng populasyon natin, alam kaya nila yung starbucks? Alam kaya nila yung Accenture? Maliban sa pagaabroad ano kaya ang mga pinapangarap nila?

    Ang punto ko siguro ay ganito... ang mga pinapangarap natin, dahil lumaki tayo nang ganito, ay ganito na nga, Starbucks, Accenture, minsan sinasabi pa sa sarili "hindi ako magcacall-center kahit kelan! Dignidad ko nalang yun..." Napakasuwerte ng dignadad natin at pagpili lamang kung bangko, call center, o ibang kumpanya ang pinoproblema... Sa negosyo ang mga pinapangarap natin yung mga nakikita sa mall, yung mga nakakagulat pagnamasdan, yung mga puwede natin yayain o di kaya ipagmayabang sa mga kaibigan natin...

    Balik ako sa tanong ko, ano kaya kung mangarap tayo ng sari-sari store? Mabubuhay kaya tayo kahit wala tayong anak? Maayos na bahay hindi siguro, pero maliit na bahay kaya kaya? kung isasabay mo ng regular na trabaho?

    FACT: May kakilala akong sidewalk vendor na ang kita P20,000.00/month (idol!).

    Kung ang mga mamamayan kaya ng Pilipinas, kahit saglit lang alisin ang tingin sa mga starbucks at mall ng lipunan, malingid lang sandali at alalahanin na may nescafe pa rin sa bahay, na may sari-sari store parin kung san walang magandang tatak, pero puwede na... kung ibaba kaya natin ang mga pride natin at wag muna nating sabihin "Para saan pa yung pinag-aralan ko?"

    Uulitin ko tanong ko, kaya kaya kung may sideline akong sari-sari? hindi Zagu ha, hindi Quickly... Sari-sari store... Sa mga nakakaintindi "Small ang medium enterprises...."

    Sa kauna-unahang pagkakataon, magiingles ako sa blog ko tungkol sa ekonomiya...

    Maybe, if we start looking for ways to strengthen our economy's foundation by building up the small and medium enterprises: the small stores, the rice suppliers, the meat and fish vendors... If we can build a stable world for them and make them realize that their businesses would give them the kind of life they can be content with, if we prioritize cementing them into our country's weakening economy... Maybe then we can have the economic stability we need to create big franchises, enormous enterprises, that can cater to the people with small businesses as well as create jobs that specialized college graduates can aspire for....

    Let us think about it, please... in a country where everyone is poor, do we really think that Starbucks is the answer? In upholding enterprises, the products of which only the upper echelon of purchasing power may avail of, aren't we effectively killing off more than 90% of the population as consumers and ultimately 90% of the target market? Business majors, college graduates, ano sa tingin niyo?


    "Eh Kami nga Tingnan Mo, Andito Pa Rin"

    Nasa bene ako, galing akong alumni office, nakita ko si Ms. Rosales chaka si Mrs. Santos. Baliktanaw... grabe... eleven palang ako nung teacher ko si Ms. Rosales, twelve nung grade six, kay Mrs. Santos... "HI MA'AM!"

    "uy! kamusta kana?" Halata mong mukha na lang ang naaalala, coach ko to sa math contest nung grade school ha, hindi lang teacher... haaay ano nga bang nangyayari malipas ang isang dosenang taon...

    "Ma'am, nag-aaral na po ako uli... Master's sa Ateneo."
    "Talaga nga naman, mabuti naman! Bakit ka nandito?"
    "Retreat po."
    "Tignan mo nga naman bigla lang talagang bumabalik sila lagi, magugulat ka na lang."
    "Eh baka magulat nga kayo ma'am, sa susunod nagtuturo nako dito sa college"

    At may sinabi si Mrs. Santos na hinding hindi ko makakalimutan... Hindi lang kung ano yung sinabi niya, kundi yung paraan ng pagsabi niya... maaari siguro hindi ko na makalimutan... walang pagtaas ng boses, walang pagtaas ng emosyon, normal lang sa kanya, na parang araw-araw niya sinasabi yung sinabi niya...

    "Bakit hindi? Eh kami nga tingnan mo, andito pa rin."

    Napag-isip ako, sa sobrang tindi ng isip ko hindi na man lamang ako nakapagpaalam sa kanila, mga dati kong guro, mga nag-aruga sa akin, umalis na parang wala lang nangyari, tuloy sa pagplano ng kung anumang proyektong pinag-uusapan nila... tuloy-tuloy na parang hindi na bago sa kanila ang kanilang ginagawa, na parang buong buhay nila yun na lamang ang ginagawa nila....

    Paghanga ang sumunod, hindi konting paghanga, pagtingala ng bata sa kapatid na nakatatanda...

    Nagbabasketball ka sabi ng kakampi mo, "Tira mo lang, rebound ko yan..." ganung pagtingala...
    May nang-away sayo sabi ng kuya mo, "Ituro mo, sino?" ganung pagtingala...

    Buong buhay ko tinuro sa akin ang pagnegosyo, ang maging magaling sa lahat ng gagawin, ang ambisyon, ang pangarap... lahat ng magagawa natin para magkaroon ng hindi lamang sapat kundi maayos na buhay para sa pamilya...

    Malamang tinuro rin sa inyo yun...

    Pagbigyan niyo ko, iliko at magpakalunod muna tayo sa isyu ng ambisyon sa buhay... paumanhin pero nakita ko mga guro ko, sinabi ko sa sarili ko, "Sila, gets nila eh, gets nila..." Ilan sa atin ang pupunta ng ibang bansa para lang buhayin ang kung sino mang magiging pamilya nila? Ilan sa atin dito ang sumuko na sa bansa natin nabubulok? Ilan sa atin dito ang nangangarap ng paghihirap para sa tamang sahod? Ang nangangarap para sa marangyang buhay na Amerika ang makakabigay?

    Nung bata ba kayo, naririnig niyo ba madalas sa magulang niyo, "Mag-aral ka ng mabuti anak, para makapagabroad ka? Wag Mass Com anak, Nursing... walang pera diyan..." Oo alam ko, hindi ako nagbubulag-bulagan, ganito na nga talaga ang takbo ng bansa...

    Pero ganun paman, pagbigyan niyo pa rin ako... habang lahat tayo nag-iisip kung paano magabroad, kung paano magkaroon ng marangya at maayos na buhay, andun yung mga teacher ko nung grade school, hala turo... binubuhay ang buhay na isinalpak sa kanila... at habang binubuhay nila ito, binubuhay nila ang Pilipinas nating nabubulok... Sila ang mga nagpapakaherkules na umiilalim sa gumuguhong gusali... sila ang pundasyon ng bansang walang pundasyon...

    Konti nalang po, pagbigyan niyo ko... tanungin natin sa sarili natin, ang buhay ba na tinutungo ng buhay ko ay magiging buhay na makabuluhan sa akin hanggang sa kadulu-duluhan? Siguro ang gusto ko lang sabihin, ngayon, lamang na lamang sa ibang panahon, ngayon kelangan ng mga tao, hindi lang tao kundi mga taong magagaling, na huwag umalis... Na kalimutan na ang pagtatrabaho sa ibang bansa at harapin na kung yayaman ako, yayaman ako sa isang bansang wala kang pag-asang yumaman... kung mabubuhay ako, hindi bilang magaling na empleyado ng puting amo, kundi magaling na empleyado na maliit ang suweldo, kaya lamang ang simpleng buhay, pero buhay kayumanggi...

    Last na po, pagbigyan please... hindi ba't kung ang mga taong ganito ang saloobin at kaisipan sa buhay, kung marami tayong ganito, hindi ba't nakakahawa? kung maraming Herkules sa pilipinas, guguho pa kaya? kung ang marangyang buhay lang ang ibubuwis kapalit ng isang dignidad na kayumanggi para sa mga anak natin, hindi kaya natin kayang magpakaherkules?

    "Eh kami nga tingnan mo, andito pa rin" Mga katagang hindi ko makakalimutan, kasimplesimple at walang pakialam ang pagkasabi, ngunit nakaagpalakas ng loob ng isang taong pagod nang magreklamo, pero hindi pa sumusuko sa sariling bayan...

    Hindi man nila marinig, pinapangako ko, pagmatanda na ako at malapit nang mamatay, maganda man ang hinihigaan ko o pangit, Mahal na hospital room man o common room, nandun parin man ang yaman ko o hindi na... ibubulong ko sa sarili ko, "andito pa rin, andito pa rin."

    Monday, September 27, 2004

    Mga Katrabaho Ko: Hayop Kayo! Idol!

    Nakaupo ako sa office... 23 years old nako chong... pagtingin ko sa paligid ko, tunay na opisina na ang nakikita ko, mga katrabaho ko halos lahat hindi ko kakilala nang personal, bigla ko lang naiisip...bigla lang bumabalik, Chaplain's Office... Alumni Office... PRM...

    Pagbigyan niyo ko... madalas ko to naiisip dating dati pa pagmag-isa ako sa office, sa classroom sa graduate school, o kung saan-saan pa... mga senting kadramahan, di na siguro kelangan sabihin, pero sa tingin ko, ngayon mahalaga kong sabihin sa inyo, mahalaga sigurong ikuwento sa inyo yung mga nakatrabaho ko, mga kaibigan ko, mga kapatid ko, mga idol ko...

    Ang sarap siguro kung sa lahat ng trabaho natin magkasama tayo, pero hindi puwede talaga eh, may nagcall center, may nagbangko, may nag-aaral parin, may mag-aaral palang (sori low blow), pero eto uli mga chong... pagbigyan niyo ko, balikan natin... gusto ko silang ikuwento sa inyo... mga taong nagbago ng buhay ko paunti-unti... sabihin ko na, mga ka-auxi ko...

    Sa Francis Paolo... parang kabayo kung magtrabaho sa dorm, nagbubuhat ng kung anu-ano sa retreat house kahit kakagaling lang sa ROTC... oo nung sinabi sa kanyang magspray ng baygon sa may fountain, yung paligid na open area yung sprinayan niya, pero mahal ko yan... kadebate, kainuman, sa bawat inuman namin hindi naalis ang tanong "pano na ang prm? kelangan may pumalit." bakit kaya?

    Si Reg... naaalala niyo ba nung unang panahon? siya ang dakilang contrabida ng PRM... (diba Reg? sakit no?) Pinagtanggol ko yan... nung panahon na magkasama kaming nagmamanage sa antipolo, walang tatalo sa kanya sa pagkakabisado sa flow ng retreat, anumang desisyon sa taas, nagagawa nang maayos, at kahit anong mangyari, hindi maalis sa sistema niya ang prm... Bakit kaya?

    Si Kingking... Dakilang showbiz, kelangan lagi life of the party... kelangan laging may masabi... minsan sumosobra... hay nako Cris... Best friend ko, kapag kelangan magstep-up sa summer at sa retreat sinong andun? pagbinigyan ng responsibilidad andun, isa sa "tres katipuneros"... laos na tayo chong... nandun kahit puyat... kahit galit ang magulang, PRM parin... Bakit kaya?

    Si Ronald... Laging napagbibintangan... mahilig daw kasi eh... pero pare anim na taon ko kaministry... ibang klaseng dedikasyon... retreat, may exam... pwede naman mag-aral pagkatapos ng encounter diba? buti nalang may med student na co-auxi... kasamang uminom palagi, wala na sa antipolo, future parin ng retreat ang pinag-uusapan... "pare, puntatayo sa bene... turuan natin yung mga aspi..." sa sobrang dedicated, napagsusupetyahan pa... Bakit kaya?

    Si Ivy, haaay Ivy, ano bang problema ang uumpisahan ko sayo? Kay dami... Pero alam mo, sabay tayo sa lahat diba? Kambal nga tayo eh... naaalala mo ba lahat ng luha? lahat ng pagod? binuhay natin ang ministry natin... naaalala mo ba yung mga summer sessions? yung mga gabing ginagawa mga line-up? mga chords? mga voicing? hindi kelangan susian si Ivy, andyan siya, kahit langing mukhang tulog, gising yan... Bakit kaya?

    Si Anna V, the warrior princess... kapag tama ipaglalaban.... ilang beses nang umakyat at bumaba para lang masubaybayan ang nangyayari... ilang beses nang bagsak sa staff room paggabi... araw-araw parin pumupunta ng bene? naaalala mo pa ba? Bakit kaya?

    Si Kc, ang batang akala ko hindi tatagal... di ko naman siya lagi nakikita, aba bigla na lang sikat na sikat... may koneksyon siya sa mga bata... nakakabarkada niya, tinitingala siya, gift yun... at ginagamit niya para maengganyong sumali ang napakarmi pang tao... ibang klaseng utak, ibang klaseng commitment.... Bakit kaya?

    Si Deneb, ang aking supremo... bakit kamo? dahil balibaliktarin mo man ang mundo, mahirap ang sacristy... hindi binabayarang magscrape, scrape parin... ang trabaho sa kanya parang fling... apply, resign, apply resign.... pero sa kanya ang prm permanente... Bakit kaya?

    Si Elizabeth... dalawang lugar ko lang nakikita... sa kusina ng st. michael's at sa boracay... walang ginawa kundi maghugas ng pinggan, walang reklamo, walang imik.... gaano katindi ang pagwalang imik niya sakin? hindi ko mailarawan... tunay na walang kundisyon ang pagtrabaho niya... bakit kaya?

    Si Bart, Si Carlo, at si Daryll... bakit sila magkasama sa banggit? kasi wala nang retreat, summer na, sembreak na... pinag-uusapan nila kung paano tawagan mga kabatch nila... pinagpapalanuhan nila nang metikuloso kung sino ang gagawa nito, kung sino ang gagawa niyan, pero isa lang ang constant sa kanila.... walang aalis, walang lalayo sa prm... hindi nga sila umalis... bakit kaya?

    Si Mike at si Pia, shock absorber... sa kanila dumadaan lahat ng problema, minsan maganda ang desisyon, minsan sablay, minsan ewan... pero asa likod nila kami... kasi ang trabaho nila hindi madali, hindi sila nakakatulog sa gabi iniisip lang ang movement... bakit kaya???

    PUSO! Dahil ang ginagawa namin dun sa grupong pinagtrabahuhan namin, pinamamayanihan ng puso, walang bayad, tinatrabaho... hindi career, kinakareer... ang problema ng isa problema ng lahat... simpleng grupo, naging buhay na natin.... naging buhay na natin...

    Alam kong hindi lang tayo ang gumawa ng organisasyon natin, pero matindi ang paniniwala ko na malaki ang naibahagi natin sa pagbuhay at paglago nito... Kasama ko kayong magmaneho galing Alabang papuntang antipolo, kasama ko kayong nagpuyat gumawa ng summer program... ng retreat program, kasama ko kayong nagdebate tungkol sa mga patakaran, sa mga desisyon... kasama ko kayo sa movement na naging buhay natin, at kasabay nito, binuhay rin natin kahit papaano... napakalaking bahagi ng buhay ang ibinigay at naibigay ng pamilya natin sa akin... sana sa inyo rin...

    anumang magdaan sa atin eto lang siguro gusto kong malaman ninyo lahat.... yung mga panahon na nakatrabaho ko kayo, yung mga pasakit na dinanas niyo dahil sa pamilya natin, hindi yun guni-guni, hindi yun ilusyon, totoong nangyari yun lahat, lahat ng luha at pawis, nandun ako, nakita ko, naramdaman ko, alam kong totoo at hinding hindi ko makakalimutan na isang panahon sa buhay ko, may mga nakatarabaho akong mga taong binigay ang kanilang mga sarili sa pagsilbi sa panginoon... sa pagtutulong tulong upang magpasalamat kay superfriend... upang makapukaw ng damdamin ng iba para kay superfriend... tandaan niyo chong... pagnalulungkot kayo, isipin niyo nalang, at least may isa kayong tagahanga... ako yun... IDOL!


    Usapang Malupet 3 - We have a Caller From Canada

    ako_si_noy: basta maganda yung susunod ko....
    babyjill99: so tke ur time...
    ako_si_noy: tungkol sa trust issues ng pinoy
    babyjill99: lahat naman maganda e....never think otherwise...
    ako_si_noy: with the government
    ako_si_noy: with each other.....ako_si_noy: para tayong lahat na iwan sa desert island na puro salt water lang iniinom natin
    ako_si_noy: lasing sa pagkapraning....
    ako_si_noy: laging iniisip na lalamangan siya ng isa.....
    ako_si_noy: kahit ang lahat pinagbotohan na kung sino ang mamumuno, bawat galaw parin ng namumuno pinagsususpetyahan.....
    babyjill99: not in all cases of cors...
    babyjill99: sometimes its healthy....prang constructive criticism...
    ako_si_noy: oo nga...
    ako_si_noy: pero in general.....
    ako_si_noy: ang lahat ng tao hindi sumusunod sa mga simpleng ordinansa....
    babyjill99: and its also a wake up call...or check up with the ppl up in the lead that they are not anymore in the right path to lead...
    babyjill99: dont u think so?
    ako_si_noy: sa tingin ko sa sitwasyon natin, hindi na natin pwedeng hintayin na marealize ng nasa taas yun
    ako_si_noy: kelangan matuto na muna tayo na sumunod na walang masyadong tanung-tanong....
    babyjill99: prang criteria or reminder nila ung mga ppl na nagbabatikos sa kanila....
    babyjill99: un nga lang i have to agree with you na minsan exagg lang talaga ung mga batikos nila...
    babyjill99: lahat ng galaw sobrang suspetya...
    ako_si_noy: ang isang bansa na may history ng people power, kapag minsan nawawala na ang sense of authority ng gobyerno....
    ako_si_noy: dahil ang lahat ay nag-iisip na kapag may katwiran sila, hindi nila kelangan sumunod sa batas.....
    ako_si_noy: ang kelangan ng pilipinas, wag munang mapraning.....
    ako_si_noy: sumunod na lang kasi eh......
    ako_si_noy: YUN NA YUNG TITLE KO!!!!
    ako_si_noy: ayus ba.....
    ako_si_noy: hahabaan ko bukas buo nayan....
    babyjill99: brod, parang mahirap naman atang sabihin na sumunod ka na lang kasi para matahimik na ang lahat...ako_si_noy: hindi ko sinasabi yun.....
    ako_si_noy: ang sinasabi ko maalis sa pilipino ang ugaling reklamo nang reklamo pero sa pagsunod wala naman.....
    babyjill99: para saan pa ikaw at ako nag-aral at naging bihasa sa ating pag-aaral para lang sumunod sa mga minsan wala sa katwirang mga patakaran diba?
    ako_si_noy: sumunod bago magreklamo.....
    ako_si_noy: nang magkaroon ng palakad ang lipunan.....
    ako_si_noy: hindi yung gagawa ng regulasyon, wala nang mangyayari kundi reklamo....
    babyjill99: so lets say we followed...we tried our best and implemented the regulations...and then? we saw the flaws...we know wat it needs becoz we are the end-user....wat is it for us left to do?
    babyjill99: hindi ba magreklamo? not really reklamo...but say wat we think....
    ako_si_noy: oo nga....
    ako_si_noy: ang ibig kong sabihin kasi sis, halos walang sumusunod.....
    ako_si_noy: puro reklamo....
    ako_si_noy: puwede mong sabihin na hindi naman lahat hindi sumusunod
    ako_si_noy: pero the fact remains that halos lahat hindi sumusunod sa lipunan.....
    babyjill99: dats true...we dont live in a perfect world bro...and wether we like it or not...there would always be that will be on the other side of the story....
    babyjill99: and thats the challenge...
    ako_si_noy: yun nga sis....
    babyjill99: despite of these negatives....how do we go with the "IDEAL" world?ako_si_noy: pero kelangan natin parealize na yung other side of the story na sinasabi mo, more than 90% of the population yun.....
    ako_si_noy: hindi ako naniniwala na mararating natin ang ideal world sa paghahanap ng mga ideal na solusyon agad.....
    ako_si_noy: kung sa mga karaniwan na patakaran na may puntong positibo at puntong negatibo, puro reklamo't walang sunod, hindi ako naniniwala na sa mga ideal na patakaran may susunod....
    ako_si_noy: in short, sis, we have to understand that the bulk of the problem is the attitude of the people towards authority.....
    ako_si_noy: not the theoretical beauty or rationality of the laws and regulations.....
    ako_si_noy: but the attitude of the people that they are always above the regulations and that whatever they say, whether right or not about these regulations would hold true since they are the people......
    ako_si_noy: the sense of responsibility to follow just isn't there yet.....
    ako_si_noy: I think that you would agree with me when I say that great and rational laws still have to be implemented to be effective.....
    ako_si_noy: I agree with you that we should complain when we see wrong things.....
    ako_si_noy: but that's in the theoretical, the legistlative standpoint.....
    ako_si_noy: what about in the executive? the operative? the logistical part where its all there?
    ako_si_noy: what about where it all gets implemented, where hands get dirty? where there is direct contact with the people?
    ako_si_noy: However much we complain about erroneous laws, if we have great laws that don't get implemented, that don't get done, we will still be where we started from......
    babyjill99: i get you....
    ako_si_noy: thanks
    babyjill99: i understand wat you mean...
    babyjill99: and i have to agree that we shud really educate and make the 90% realize that yah...
    babyjill99: these people have their purpose...
    babyjill99: do their job with the best of their ability...
    babyjill99: we might not fully agree with what they think...
    ako_si_noy: correct.....
    babyjill99: but we have to follow them coz anu pa ang purpose nila na nilagay natin sila dun if we dont let them do their job right?
    ako_si_noy: I think it's time to stop arguing with the masses... with the government.....
    babyjill99: yah the first step is to unite the country with all cost...
    ako_si_noy: I think that we should follow the government with proper correcting of whatever mistakes.... but still follow....
    ako_si_noy: I think we should help the masses realize but not think of ourselves as higher than them in intellect and soul.....
    babyjill99: regardless of what exctly the issue would be but just prove that we can be united and hopefully that wud be the start of a greater unity among us..
    babyjill99: among filipinos...
    ako_si_noy: yes....
    ako_si_noy: If the direction would be wrong, I just hope we tread as a nation, rather than play safe arguing with each other......
    babyjill99: so how do we exctly go abt with the exct procedure in doing that now that we've agreed with the big picture?
    ako_si_noy: not moving backward or forward, just getting left behind.....
    babyjill99: thats the big question.....the "HOW" part....