NOY101

Ang kahulugan ng buhay ay nasa mga maliliit na bagay... yung mga sa tingin natin walang kwenta minsan bumubulaga nalang sa atin bigla, napakahalaga pala... Eto ang mga kawalang kwentahan ng buhay ko...tingnan niyo... malay niyo... mabulaga kayo...

Login (Username/Password) mabinidemolay mail
  • SIGN UP!
  • JOIN MABINIDEMOLAY YAHOOGROUP! (Yahoo ID needed)
  • Thursday, September 23, 2004

    Lundagin Mo Beybe! : Huwag Magmarunong...

    Memories of college...
    Tapos na ba kayong mag-isip tungkol sa cheeseburger? Eto chong, isip uli....
    May mga taong gusto raw matutong lumangoy. Nakasuot panlangoy na sila at sama-sama silang nakatayo sa tabi ng swimingpul. May notbuk at bolpen ang bawat isa. Nagsasalita ang guro.
    “Una sa lahat,” aniya, “magsanay ka munang magtampisaw sa tubig. Tapus, huwag huminga pero idilat ang mata at pagpasailalim ng tubig. Tapus bastat’t dumapa. Huwag matakot. Lulutang ka. Tapus, matutong gumalaw ng paa. Matutong gumalaw ng kamay. Matutong huminga. At paulit-ulit na pagsikapan at pagtiyagaan ang praktis.”
    Habang siya’y nagsasalita, masipag nilang sinusulat ang lahat ng sinasabi niya.

    “At ngayon,” patuloy niya, “eto ang swimingpul. Oras nang magsimula. Lundagin mo beybe!”
    Walang lumundag, pero sulat ng sulat pa rin sila.
    “Hoy, sa tubig na kayo! Walang kabuluhan ang sulat-sulat ninyo kung hindi ninyo ginagawa!”
    Wala pa rin lumundag. Sulat pa rin sila ng sulat.
    “Hoy! Gising! Hindi ba ninyo nakikita na nag-aaksaya lamang tayo ng panahon?”
    Dito, may bumaling sa guro: “Bakit ka ba nagagalit? Hindi mo ba nakikita na mahalaga sa amin ang lahat ng sinasabi mo? Eto.” At pinakita niya ang kanyang notbuk. Naroroon ang buong talumpati ng guro mula sa unang salitang hanggan sa huli... hanggan sa “Hoy! Gising! Hindi ba ninyo nakikita na nag-aaksaya lamang tayo ng panahon?”
    Nagsimula silang lahat na magsiuwi. Yamot at galit. “Biruin mo, pinagalitan pa tayo!"
    Tanong... Ilan sa inyong nagbabasa nito ang nagiinternet gabi-gabi? Di ba hindi na natin mapagkakaila na halos lahat ng ginagawa natin araw-araw ay may kahalong computer at celphone? Naaalala niyo ba nung bata pa kayo? Kasimple-simple ng buhay no? Mayabang na ang may celphone na deroskas yung antenna, beeper lang ang uso (sender's name, please), lima lang channel sa tv...
    Araw-araw ang nagiging tanong ko sa sarili ko... paano na kaya yung mga bata? Mga batang grade school palang marunong nang maggoogle? Gradeschool palang mabilis nang magtext? Grade school palang mas marunong nang magpowerpoint kaysa sa akin? Gaano katalino na ang susunod na henerasyong ito? Mas mahalagang tanong... Gaano kadaya na ang susunod na henerasyong ito?
    Ikaw, matanong ko nga, kelan ka ba huling pumunta ng library para gawin ang homework mo (Yung mga matatandang wala nang homework wag nang sumagot, alam namin tanders na kayo...)... eto na lang pala, kelan mo huling naalalang kinailangan mong lumayo ng computer para matapos yung homework mo? Oo na, pag yung bond paper nasa kabilang kuwarto, nagets niyo na yung point diba? Pag magkikita kayo ng kaibigan mo at naiinip ka na, anong ginagawa mo? Diba isang "wru?" lang? Minsan, iniiba pa ang meeting place, nagagawa ba yun dati? Eh, yung pinsan mo nga sa states, nakakaym mo na araw-araw eh...
    Ang punto ko'y ito, magmaangmaangan man tayo hindi pa rin magbabago... mabilis na ang mundo ngayon, hitech, at alam rin natin na wala tayong magagawa kundi sundan ang direksyong pabilis... ngunit sa tingin ko'y napakahalaga rin isipin kung nakukulangan rin batayo habang dumadali ang buhay... dumadaya ba tayo? Natututo batayong lumangoy nang notbuk lang at bolpen, walang lundag?
    Ang mga magulang natin, mahina ba ang pagkatao nila dahil kinailangan pa nilang tadyakan ang tv para lang tumuwid ang tayo ni Bert Marcelo? Dahil ang tatak ng sasakyan nila papuntang iskwelahan ay spartan? Mas mahalaga ba ang kaalaman sa karanasan?
    Ito sa tingin ko ang lagi nating kailangan tandaan. Sa buhay natin ngayon at sa maraming pagkakataon, nagmamarunong tayo. Dahil sa labis nating kaalaman na napulot natin kung saan-saan lang (kahit tama ang kalaamang ito), madalas nating sinasabi sa sarili natin... "alam ko na iyan"... Nawawalang ng kahalagan ang pakikinig sa ibang tao at pagdaranas nang sarili kapag ang ugali natin ay ganito...
    Ito ang pinakamalaking dahilan kung bakit nagkakaproblema ang magulang sa anak at anak sa magulang. Hindi ko sinasabing ito lang ang dahilan ngunit aminin natin, lahat tayo pagdating sa ating magulang ay nagmamarunong. Madalas ang angal natin ay alam na natin kung ano ang tama para sa atin, kahit na hindi pa natin nararanasan...
    Alam ko, kelangan rin nating matutong tumayo sa sarili nating paa, na maranasan nang hindi tinuturuan...
    Ang hamon sa atin ng panahon ay ganito... habang itinutuloy natin ang buhay natin, sa pamilya, sa trabaho, sa organisasyon, huwag na huwag nating kalimutang lumundag... kahit magbasa tayo ng sampung encyclopedia tungkol sa paglangoy, hindi pa rin tayo marunong lumangoy hanggang hindi natin lundagin... at pagkatapos nating lumundag, milyun-milyong bagay pa ang kelangan nating matutunan maliban sa paglangoy, mga bagay na kelangan rin maranasan bago matutunan, mga bagay na hindi nagogoogle, hindi nayayahoo... lundagin natin, buksan natin ang mga kamalayan natin...
    Makinig, Lumundag, Huwag Magmarunong...

    Wednesday, September 22, 2004

    Gawan Natin ng Paraan: Ugaling Pinoy

    Naaalala niyo ba yung unang punto sa buhay niyo na naging idol niyo na talaga yung tatay niyo? Maaaring bata pa kayo nun, teenager na, o maaaring hindi niyo pa nararamdaman... Yung panahon na namulat kayo: "Ang hirap ng buhay, pero may pagkain kami, tahanan, maaayos na damit... ang hirap ng buhay.... nagawan niya ng paraan..." Ewan ko rin kung nangyari na sa inyo, pero da ba't kung isipin natin ang mga ito'y di mapipigilang nag-aalab ang katauhan natin...

    "Ginawa niya yun, para sa amin..."

    "Pare, mula ngayon, lahat ng gagawin ko, gagawin ko para magkaroon ng maayos na buhay ang pamilya ko... magmula ngayon ang direksyon ng buhay ko, sarili, pamilya... kahit anong kelangan gawin, para sa kanila... gagawa ako ng paraan..."

    Ibang klaseng pagkamulat, ibang klaseng tindi ng damdamin... pero aminin natin... ang ganda diba?

    Nakakagulat isipin na dahil sa kahirapan ng buhay dati ang lalo na ngayon, nagkaroon tayong mga Pilipino ng ugaling kapag ihinalo natin sa nakatatak na sa ating pagmamahal sa pamilya ay napakadiin ng kahulugan... Minsa'y nakakatuwa na rin isipin na dahil sa hirap sa buhay ngayon, nakakagawa pa rin tayo ng paraan.

    Pagbigyan niyo uli ako... lunurin muna natin ang sarili natin sa isyu ng ugaling Pinoy na ito na sa umpisa'y tila walang kupas sa kagalingan...

    Nanood ako ng Imbestigador, ano ang nakita ko: taong nagbebenta ng mata para mabuhay ang pamilya... taong kumakain ng daga pag walang ani... taong gumagawa ng bahay gamit styro, tinatali sa lubid at nagmimistulang bangka ang bahay na nakaangkla sa pier... taong nagpapabayad sa bahay ampunan para sa kanyang anak...

    Gumawa ng paraan... kay gandang ugali... pero bakit parang nakakalungkot isipin sa ganitong paraan?

    Pila sa LTO (Op, Op, Op, alam niyo to lahat...) inip na inip lahat... mag-iisang oras kanang umiikot, nagpamedical, umihi sa tasa pang drug test, nagpapicture, etc. banas na banas ka na ang tagal ng lisensya mo... nakita mo may dumaan, si Alan, kilala mo siya, yung tito niya taga LTO, walapang bente minutos na nakaupo siya sa aircon na looban na nakalagay "authotized personnel only", nasakanya na lisensya niya... haaaay....

    Gumawa ng paraan... kay gandang ugali... pero bakit parang nakakainis ang talaga naman nangyayari...

    May nagsabi sakin na magaling na manager, kasama siyang nagsulat ng agrarian reform/microfinancing act ng isang congressman... sarap na sarap siyang gawin kahit mahirap dahil importante ito sa ikagaganda ng bansa... pagdating sa meeting for awarding, lahat ng application forms para sa programa nito'y binasa niya... Nyek, iisa ang apelyido, o kaya nagkapareho sa middle name... tiyo, tiya, pinsan, pamangkin, hipag ng congressman... tuwang tuwa ang mga kapamilyang dumnalo rin sa meeting, nang tinanong ng manager "pano na ang bansa?" sabi ng mga kapamilya ng congressman "wala naman nakalagay diyan sa act ha? ang linaw ng regulasyon, kung sino lang nag-apply!"

    Gumawa ng paraan... kay gandang ugali... bakit bumabaho pagnakita sa bulok na sistema...

    Pero bakit hindi natin masisi pagminsan? PAMILYA EH! "Pare, yung tatay mo diba? Idol! kahit anong gawin, basta para sa kanila... gagawan ko ng paraan..." Balibaliktarin natin ang mundo, mahihirapan tayong tanggalin sa Pilipino na kapag dinahilan ang pamilya, gumuguho ang kahit anong magandang argumento, ang kahit anong rasyonal na panlaban... Tignan natin mga sarili natin, yan oo, ikaw, ako, sa atin lahat nanggagaling ang kakilala system na ito... sa ating pagkaobsessed sa tunay na magandang ugali...

    ang galing ng Pilipino... sa sobrang panatiko... magandang ugali nagkakaroon ng masamang bunga, bunga nito'y sistemang kumukulong sa mga taong hindi kapamilya, hindi kaibigan... tinatanggal sa hindi kabagang, hindi kagrupo ang karapatan ng cariño, karapatan sa tulong, at minsan pa nga, karapatan per se...

    Sana makita natin lahat ang kagandahan ng ugaling Pinoy na ito, pero mas lalo nating tandaan na ang pagpapabaya sa ganitong ugali ay nagbubuhay ng bulok na sistema, sistemang kukulong sa mahihirap na maging mahirap pa lalo dahil hindi natin sila kapamilya, sistemang bumubuhay sa gobyernong kamag-anak lang ng mga opisyal ang kumikinabang... Isang sistemang guguho sa sarili nito dahil sa kahinaan nating umabot... umabot nang lampas sa pamilya, lampas sa kaibigan... LIPUNAN ang tawag dun... KOMUNIDAD ang tawag dun... ano nang huli nating nagawa...

    Sa pagbibigay ng tulong sa pinsan, sa kapatid, sa brod, sa kaklase... sa pagpapalakad ng papeles... sa pag-interview ng aplikante sa trabaho... sa paggawa ng obligasyon natin sa opisina, sa eskuwela... sa organisasyon... sa desisyon nating pangaraw-araw, tandaan natin, sa atin manggagaling ang mali, sa atin manggagaling ang tama...

    GAWAN NATIN NG PARAAN... TAMANG PARAAN...

    Sunday, September 19, 2004


    Kaya ko pa... kaya ko pa... Posted by Hello

    Usapang Cheeseburger - A Tribute to the Little Things

    Memories of College...

    Bakit kahit libu-libong beses ka nang kumakain ng cheeseburger sa mcdo, hindi ka parin matigil ng kakaorder?

    Kapag sa simula'y tila walang kuwentang tanong, pero ba't hindi natin hayaan malunod muna ng saglit sa kalaliman ng isyung cheeseburger... Bakit nga ba kahit siguro bali-baliktarin mo ang cheeseburger sa mcdo ay siguradong sigurado ka na kabisado mo na kung ano ang lasa... Hindi mo maikuwento, basta alam mo lang, di ba? Hindi naman sa araw-araw kang kumakain nito, kundi sa dinami-dami nalang ng pagkakataon, basang-basa mo na bawat kagat...

    Balik tayo sa tanong, bakit lagi mo pa rin inoorder? Dahil ba kahit na sawang-sawa ka na masarap parin? Dahil ba wala ka na lang talagang perang pangbigmac lagi? O Dahil ba masarap lang na sa pabagu-bagong mundo natin, meron kang mauuwian na alam mo, hindi guni-guni, hindi pagkalasing, pero alam mo talagang kabisado mo?

    Pagbigyan niyo ko... isipin natin lahat ng mga nakakatawang karanasan natin sa cheeseburger ng mcdo, mula sa sobrang bata pa tayo na hindi pa tayo pwedeng bumili sa counter, hanggang sa unang date (kunwari date pero nagkataon lang talagang magkasama kayo) ng crush mo, hanggang sa pagod na pagod sa quarter exam ninakaw mo pa yung fries ng kaklase mo, hanggang sa unang cheeseburger mong binili gamit suweldo mo...

    Ngayon, magkakapareho pa rin ba mga cheeseburger natin?

    Eto na yung tanung na malupet, bakit sa kasimplesimpleng bagay na nakasama natin ng maraming taon... kagaya ng cheeseburger... pag pinag-usapan natin ang ending madalas mapapagkuwentuhan natin ang karanasan, mapapakuwentuhan natin ang sarili... Bakit kahit libu-libong beses ka nang kumakain ng cheeseburger sa mcdo, bawat order mo bago pa rin... ibang cheeseburger parin?

    Ako, tingin ko, ang pinakaimportante sa maliliit na bagay, ay may sinasabi siya tungkol sa sarili mo na hindi guni-guni, dahil konkretong karanasan yun... Madrama man isipin, pag bumagsak career natin, pag bumagsak tayo sa major subject, pag-hiniwalayan tayo ng minamahal natin, sa mga punto ng buhay natin na damang-dama natin yung salitang "sakit"... mga maliliit na bagay na yun ang sumasalba sa atin... yung mga maliit na bagay na yun ang magsasabi sa atin na may kuwenta parin, dahil lang sa mga karanasan na naaalala natin sa kanila... tuwi-tuwi nalang tinitingnan natin yung picture sa bahay natin, tuwing minamasdan natin yung crucifix natin sa prm, tuwing nahahawakan natin yung unan natin... tuwing kumakain tayo ng cheeseburger sa mcdo...