NOY101

Ang kahulugan ng buhay ay nasa mga maliliit na bagay... yung mga sa tingin natin walang kwenta minsan bumubulaga nalang sa atin bigla, napakahalaga pala... Eto ang mga kawalang kwentahan ng buhay ko...tingnan niyo... malay niyo... mabulaga kayo...

Login (Username/Password) mabinidemolay mail
  • SIGN UP!
  • JOIN MABINIDEMOLAY YAHOOGROUP! (Yahoo ID needed)
  • Monday, December 06, 2004

    Usapang Cheeseburger 4 - Mata

    On and on everyday we walk...
    And wake up wanting to give up
    Countless hours a day we spend
    Asking questions years on end

    Not a second though we shed
    in light of an ancient friend
    that seems to me we should give praise
    For now I'll show in countless ways...

    I don't believe we've shoveled in
    How strong our eyes have been...
    Millions of tears from them have flown
    Even those we have not shown...

    Countless joys and blood and sweat...
    and love and hate these eyes have met...

    From end to end our lives unfold...
    From front to back the stories told...
    And while we question why we wake
    Not one complaint our eyes will make....

    Warriors that behold what they detest...
    Our eyes were never made to rest....
    Though hearts and minds have grown tender
    Eyes still see, and can't surrender...


    Bigla ko lang naisip... grabe na yung naranasan ng mga mata natin no? Naaalala niyo nung bata pa kayo? Inosente, walang kaalam-alam no? Hanggang Voltes V chaka transformers lang ang abot ng kamalayan mo diba? Ang pinakamalapit na sa pisikal na karahasang nakikita mo WWF...

    Ang haba na nga ng narating natin... At gaya ng dating-dati ko pang sinasabi, kahit mga magulang natin hindi na lubusang nakikita at nararanasan ang mga bagong bagay na nararanasan natin ngayon... Naaalala niyo ba kung anong mga pangarap niyo nung bata kayo? Kung ano yung mga sinasabi sa inyo ng mga magulang niyo dati... Diba Doktor? Diba Attorney? Diba Negosyante? Naaalala pa ba natin yung panahon na halos ito lang ang pinapipilian natin? Ang galing no?

    Eh ngayon ano nang namamalasan ng mga mata natin? Isang bansang pabagsak sa gitna ng pagsulong ng mga iba't ibang bansa sa tabi nito.... Isang panahon na Napakaraming trabahong mapagpipilian, pero konti lamang talaga ang nakukuha... Hayan na! nakita na rin ng sarili nating mga mata... mga kursong IT, Nursing, Archi, Engineering, Management Engineering, Chemical Engineering, ABCD (ano nga ba yun?), Diplomatic affairs, Interdisciplinary studies, Environmental Science, Foreign Language, Developmental Studies, Sociology and Anthropology... AAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!! Mama, kala ko ba magdodoktor lang ako....

    Hindi lang yan ang namalasan ng mata natin, nakita rin niyang unti-unting sakupin ng mga dayuhan ang mga utak ng mga kabayan niya... MTV, Channel V, ETC, ESPN... Unti-unti niya nang nabalitaan sa tenga natin na wala nang tunay na Filipino... Kahit mga Filipino Graduate daw ay hindi na makapagderetso ng Filipino... At ang mga nagboblog daw na Filipino ang gamit makata na daw... di-pangkaraniwan... ayus diba?

    Nakakita rin siya ng patayan... hay, napakaraming patayan... pinakamalakas na bansa sa mundo'y namalasan niyang tirahin sa kapusu-pusuan ng mga galit na kaaway... luha, dugo... Nakita niya ang sariling pangulong pinaalis ng mga taumbayan at nang pinalitan ito'y nakit rin niyang subukan pa ring paalisin... mga sasakyang sinusunog... mga taong nambabato at binabato...

    Nakakita siya ng mga kaibigang hindi nagkatrabaho... Nakakita siya ng kaibigang nabaon sa utang, at naligo sa yaman... nakakita siya ng mga pamilyang nagkawatak, nakakita siya ng kamag-anak na namatay... nakakita siya ng magulang na nagkasakitan... Nakakita siya ng mga kaklaseng maagang nabuntis at nagpakasal....

    Mula sa bulkang sumasabog hanggang sa bagyong nananalanta... mula sa buhay na marangya at buhay na lugmok sa putik... mula sa mga maaayos na kaibigang walang asenso, hanggang sa mga kinaiinisang nagtagumpay... mula sa matatalinong nag-adik, hanggang sa mga bobong yumaman... Pangungutang, pagbabayad, yakap at suntok, nabaon at umahon....

    Ang lugi ng mga mata natin no? hindi pwedeng sumuko... Pwede lang pumikit para matulog, sa kaalamang magigising siyang muli upang danasin pa ang iba't ibang susunod na mangyayari....

    Kaya siguro madalas tayo nagkakaproblema... dahil dumarating na tayo sa punto ng buhay natin na halos lahat nakita na natin... Alam niyo kung bakit tayo nagkakaproblema? Kasi hindi natin matanggap na ganito ang buhay na kelangan nating buhayin... Aminin man natin o hindi, minsan o madalas man mangyari sa ating, iniisip pa rin nating tumakas, naghahanap ng mga bagay nahindi pa natin nasusubukan upang layuan ang mga kapangitan ng buhay....

    Hindi ko naman sinasabing pangit ito... siyempre kailangan gumawa ng paraan... pero ang gusto ko lang sigurong sabihin ay kelangan pa rin tayong tumahak... kelangan pa rin nating subukan man lang mabuhay sa buhay na ibinigay sa atin... Bawal sumuko... tandaan natin... yung mga mata natin di tayo iniwanan... di tayo pwede sukuan... Sila mismo ang magsasabi sayong minsa'y masarap ang mahirap, at mahirap ang masarap... paikot-ikot lang ang mundo... bukas, paggising mo, siguradong may kasabay kang gigising... minsan nauuna pa sayo... Bigyan natin ng karangalan ang mga mata natin... Sabihin niyo sa puso't isip niyo, makicooperate naman sila...


    6 Comments:

    At 9:34 AM, Blogger Benigs said...

    nabuhay na naman ang dakilang cheesburger ni noy...

    At ang mga nagboblog daw na Filipino ang gamit makata na daw... di-pangkaraniwan... ayus diba?

    ayos talaga... ngayong panahon, mas nakakahanga ang marunong sa malalim na tagalog/filipino. pero diba dapat eh alam na natin yan, naisapuso na? eh hinde eh... inggles ang naisapuso nating gamitin... maganda nga for business (at hayan di ko kayang derechong tagalog) pero di maganda para sa kultura o kung anuman...

    Nakita niya ang sariling pangulong pinaalis ng mga taumbayan at nang pinalitan ito'y nakit rin niyang subukan pa ring paalisin...

    eh dyan tayong magaling mga pinoy eh... magpatalsik sa di marunong... pero tayo, di nating magawa na maglagay ng taong marunong talaga, na pagkakatiwalaan na tunay...

    kelangan pa rin nating subukan man lang mabuhay sa buhay na ibinigay sa atin...

    oo nga... wag susuko... maging kontento kahit sandali lamang... malay nga ba natin, kahit na ang gulo-gulo ng buhay natin, ng bansa natin, kapag nakuntento tayo eh mararamdaman natin na oks lang yan. di mahirap na problema. kayang kaya ito... kung kaya nga ng mata natin ehd iba?

    great blog noy... fascinating read... nung naghang nga pc ko sa gitna ng pagbabasa, napamura ako. gusto ko na kasing matapos, ang ganda talaga... except yung poem. di ko maintindihan... dense talaga ako sa ganyan hahaha...

     
    At 6:30 AM, Blogger kesico said...

    pangarap nung pagkabata.. hanggang sa nakita ng mga mata ko ang AB-CDA sa listahan ng courses sa benilde(ahahahaha) mata.. luging-lugi nga kng iicpn mo, nde sumusuko at walang humpay ang pagiging saksi sa lahat ng pangyayari sa atin. nakikita pro nde nakakapagsalita... saksi pro walang magawa.. nakakakita pro walang pakiramdam. saklap...

     
    At 5:34 AM, Blogger Kalowee said...

    ang makakita.. yan lng talaga ang pinkapapel ng ating mata. Ang saklap dahil hanggang doon lang ito! walang magawa sa nkikita at walang tigil sa pagiging saksi sa lahat ng pangyayari sa ating buhay. Ngunit ang mga taong nagmamay-ari nito ay mayroong magagawa sa kanilang nakikita. Nakakalungkot lang isipin na may mga pagkakataon na ang ibang tao ay nagbubulagbulagan sa mga pangyayari sa paligid nila. Minsan pa nga ang mg tunay na di nakakakita ang siya pang gumagawa ng pagbabago at nagsisilbing inspirasyon sa iba. Bigla ko tuloy naisip ang mga taong sumusuko sa laban at lumalayo sa bansang kanilang sinilangan upang magkaroon ng mas magandang buhay. Wala namang pumipigil sa kanila pero di ba nla naiisip na kung sama sam at tulong tulong tayong gumagawa ng pagbabago sa mga negatibong mga nakikita natin ay magkakaroon ng mas magandang buhay para sa lahat. Anong gagawin natin? Magbubulagbulagan rin ba tayo sa mga sumuko at nagbulag-bulagan o ito'y ating sosolusyunan?

     
    At 5:35 AM, Blogger Kalowee said...

    ang makakita.. yan lng talaga ang pinkapapel ng ating mata. Ang saklap dahil hanggang doon lang ito! walang magawa sa nkikita at walang tigil sa pagiging saksi sa lahat ng pangyayari sa ating buhay. Ngunit ang mga taong nagmamay-ari nito ay mayroong magagawa sa kanilang nakikita. Nakakalungkot lang isipin na may mga pagkakataon na ang ibang tao ay nagbubulagbulagan sa mga pangyayari sa paligid nila. Minsan pa nga ang mg tunay na di nakakakita ang siya pang gumagawa ng pagbabago at nagsisilbing inspirasyon sa iba. Bigla ko tuloy naisip ang mga taong sumusuko sa laban at lumalayo sa bansang kanilang sinilangan upang magkaroon ng mas magandang buhay. Wala namang pumipigil sa kanila pero di ba nla naiisip na kung sama sam at tulong tulong tayong gumagawa ng pagbabago sa mga negatibong mga nakikita natin ay magkakaroon ng mas magandang buhay para sa lahat. Anong gagawin natin? Magbubulagbulagan rin ba tayo sa mga sumuko at nagbulag-bulagan o ito'y ating sosolusyunan?

     
    At 6:02 AM, Blogger Dane said...

    PAGMULAT NG MATA! hehe. anu nga ba ang nasasaksihan ng mga mata ntin? may magaganda at may mga pangit. maswerte nga tau nkakakita tau e. nkikita ntin kung anung kulang sa mundo ntin, kung anung dapat idagdag, kung anu dapat ang baguhin. nkakalungkot isipin na miski nkakakita tau e pinagmamasdan lng ng iba satin ung mga pangit na nangyyri sa mundo ngaun. puro n lng tingin, nde man lang gumawa ng sariling aksyon na feel ntin e mkktulong sa iba. pag nkita mo kaibigan mo umiiyak alangan nmng pabayan mo lang dba? aaapin mo db?ppramdam mo na nanjan ka. maka make k lng ng impact sa isang tao, nagamit mo n ung mata mo ng maayos.. e kung ung isang bulag nga nka imbento ng reading materials para sa mga bulag e, nka pag make sha ng impact...nka tulong sha dba? kaya wla taung reason para nde umaksyon..kasi miski bulag gumagawa ng aksyon.. db?

     
    At 9:52 AM, Blogger chayay said...

    kumilos at wag sumuko... tama ka, hindi dahil mahirap at pangit ang nakikita ng mga mata natin ay titigil na lang tayo at magpapatalo sa mga nangyayari sa atin. pero, ang kailangan nating alalahanin ay ang mga matang ito din ang susi para matalo at malagpasan natin ang mga kahirapang ito. Kailangan nating matutong tignan ang maganda sa bawat tao at bawat pangyayaring humaharap sa atin... kung marunong lang tayong lahat na makita at bigyang halaga ang mga biyaya at magagandang bagay sa ating paligid, mas maige. di ko sinasabing mawawala ang mga problema pero mas magaan kung ganun dba?:)

     

    Post a Comment

    << Home