NOY101

Ang kahulugan ng buhay ay nasa mga maliliit na bagay... yung mga sa tingin natin walang kwenta minsan bumubulaga nalang sa atin bigla, napakahalaga pala... Eto ang mga kawalang kwentahan ng buhay ko...tingnan niyo... malay niyo... mabulaga kayo...

Login (Username/Password) mabinidemolay mail
  • SIGN UP!
  • JOIN MABINIDEMOLAY YAHOOGROUP! (Yahoo ID needed)
  • Wednesday, December 15, 2004

    Bibig: Sayang, Sipag, Talino, Tamad...

    Sayang, sayang, sayang...

    Discussion sa klase, hindi ka masyadong nag-aral, bad trip talaga o, pero biglang nung nagtanong yung teacher, sabi sayo ng utak mo "SHET! ALAM KO YUNG SAGOT!", nagdalawang isip ka, yun nga ba? Baka magtaas ako ng kamay mali pala, sigurado ba ako o hindi? kelangan tama pagnagsalita ako... Taas ang kamay ng kaklase mo, sinabi yung sagot mo, tama... Sayang. Hindi ka naman talaga nag-aaral sa subject na yun eh... alam mo pa naman....

    Group project, pumipili kung sino gagawa ng kung anong trabaho, may ipinapaayos na interview, nagtatanong ang groupmates kung sino gagawa... eto na naman... "May kakilala ako eh, pwede", nagdalawang isip ka... teka lang, baka sabihin nila epal ako, o baka magcommit ako pero hindi ko magawa, sayang rin panahon ng gimik no, parang hindi ko na nga ata kaya, kaya ko ba? Biglang salit yung isa, siya ang gumawa, palpak, late, panget, sira ang grade niyo... Sayang, hindi naman madalas ang ganong pagkakataon, kaya mo pa naman...

    May matagal ka nang katrabaho at kaibigan, at may gawain siyang hindi mo talaga masikmura... maliit na bagay pero lagi-lagi nalang niyang ginagawa, kelangan mo nang sabihin sa kanya, eto na, pero teka... nagdalawang isip ka... maliit na bagay lang naman eh, grabe naman ang pasensya ko kung di ko mapagbigyan.. baka masira lang... lumipas ang panahon, sa sobrang hindi mo gusto unti-unting hindi mo nalang siya kinagimik, kinabarkada, kinasama... Sayang, di naman dapat siya masasaktan eh, sasabihin mo lang...

    Pansinin natin, ilang pagkakataon na sa buhay natin ang nasayang natin...

    Ang hindi talaga maalis-alis sa utak ko ay ito... marami na akong kakilalang tao sa buhay ko, wala ni isa sa kanila ang matuturi kong bobo... walang alam... marami na akong nakikilala sa buhay ko pero wala pa akong nakikitang taong tunay na masama... Ano ba ang nagpapaiba sa bobo at magaling na tao, sa masama at mabuti?

    Sayang... madalas nga naman nating sabihin sa iskuwela dati, ok lang na ganito grade ko, alam ko naman yan kung aralin ko lang eh, mas mataas naman yang grade na yan kung pinagmabuti ko lang eh... laging alam natin na kaya natin di ba?

    Ang galing... ngayon nga naman ang mga nakikita kong naging matagumpay sa buhay ay hindi yung mga matalino nung high school, hindi rin naman yung mga nagkakakaso, hindi mo maikakahon sa isang kategorya, halu-halo, chop suey... Pero may napansin ako sa kanila, may isang bagay na pare-pareho sa kanilang lahat: Hindi sila nakontento sa salitang SAYANG... Eto yung mga taong natutong sumagot sa klase kahit alam nilang pwedeng maging mali ang sinasabi nila, eto yung mga taong tanggap nang tanggap ng trabaho at kasabay nito ang pagtanggap ng responsibilidad kung sakali mang hindi matagumpay ang naging resulta ng kanyang pamumuno, minsan nga lang natatalo, dahil sinisigurado niyang panalo... Eto yung mga taong hindi makatulog sa gabi kakaisip kung paano sasabihin sa kaibigan ang hindi maganda sa kanyang ugali upang mapaunlad ang sarili, kahit gaanong puyat ay bukas gagawin niya ito...

    Madalas nating naririnig ang mga kuwento ng mga taong hindi magtagumpay tagumpay kahit na anong negosyong pasukin, stuck sa iisang trabaho habambuhay. Nagkaroon ba kayo ng pangarap na mapasok sa isang linya ng trabahong parang mailap sa buhay ninyo? pag-aartista, musikero, manunulat, negosyante, restaurant owner, napakarami... Nagkaroon na ba kayo ng ideya na sobrang ganda at hindi kayo makatulog sa gabi kakaisip? Negosyo, trabaho, buhay... Alam kong malabo pero alam niyo na ang mga sinasabi ko... mga panahon sa buhay na nabubulaga tayo ng mga kaisipang hindi pa natin naeenkwentro kahit kelan... mga bagay na madaling mabaon sa pagdadalawang isip...

    Sabi sa akin ng kapatid ko dati... kapag hindi ka makatulog sa gabi kakaisip sa "eureka moment" mo, huwag na huwag kang gumising na wala kang gagawin... dahil aminin man natin o hindi, hindi lang ang tagumpay at pagkabigo ang mahalaga sa buhay... kung paano natin dinanas ito, isa sa mga pinakaimportante ang paraan ng pagdanas... Minsan ang sarap ng pagpunta sa Baguio ay ang mga tanawin na nakikita mo sa oto, mga kinakainan niyong stopover, yung picture niyo sa tabi nung malaking leon... Masarap pumuntang Hongkong, pero yung paraan kung paano magcheck-in sa airport, kung paano pumila sa immigration, kung paano hanapin ang gate, kung paano magantay, yung mga yun ay dadalhin natin kahit kung sa America, sa Europe, o sa Namibia man tayo pumunta... Minsan talaga... sa takot natin tungkol sa isyu ng tagumpay at pagkabigo, nakakalimutan natin na mahalaga rin pala yung pinagdadaanan natin, manalo man o matalo... Sayang...

    Bakit nagiging matagumpay ang isang tao? Dahil ayaw niyang naririnig ang sayang. Dahil alam niya na pagkatapos ng lahat, hindi talino lang ang magpapapanalo sa buhay, hindi lang ito ang bibilangin.

    Pag nasabi na ang lahat ng masasabi, ang pinakamahalaga ay hindi pa rin nasasabi, nagagawa lamang ng kaloobang mapagkawang gawa... Maaari kang manalo sa anumang debateng salihan mo sa tambayan, sa bahay, sa inuman, pero saan ka pupulutin pagkatapos ng ilang taon... sa mga panahong hindi na mahalaga kung sino ang may tamang sagot...

    Sayang... Salitang Pilipino... Walang diretsang kapalit sa Inggles, bakit kaya?

    6 Comments:

    At 7:14 PM, Anonymous Anonymous said...

    natamaan ako.. big time! sapul na sapul.. kelangan ko na magising. hehe..

    hay ang daming SAYANG.. daming NASAYANG.. sana wala na MASAYANG. =)

    thanks bro! =)

    - lindsay

     
    At 12:50 AM, Anonymous Anonymous said...

    ganun talaga. maraming bagay na pinanghihinayangan. natatakot kasi. pero ang pinakaimportante roon ay kung ano ang ginawa/gagawin mo para hindi na maulit yun.

    -cynthia :)

     
    At 11:23 PM, Blogger daryll said...

    bro un nga e! puro nalang sayang, wala nang tigil sa kakasayang! ndi natin grab ung opportunity na binibigay satin kse takot tayo parati magkamali! dapat parati natin tandaan na lalo kang magkakamali pag inicip mong magkakamali ka! at wag natin palagpasin ang mga opportunity na dumadating satin kse opportunity only knocks once dbu?

     
    At 2:25 PM, Blogger purplesaging said...

    SAYANG.... sayang nga naman kng hndi ngwa ng mabuti ang isang bagay na alam nating pede pang pagigihan kng i2y pngbutihan. wla taung mapapala kng hndi isusugal ang ating tsansang matalo o manalo. ika nga eh "No guts, no glory". kung hndi ba sumugal ng pagkakataon ang isang taong sumali sa isang gameshow na tumuloy pah para makuha ang mas malaking halaga ng pera gayung mayron na ciang maiuuwing pera eh mababayaran ba nia ang pagpagamot sa kanyang anak na kritikal?!

     
    At 9:31 PM, Blogger Kalowee said...

    kailangan tlga minsan we take risks. magkakamali at magkakamali talaga tau pero at least sinubukan natin so di tau magiisip ng wat if? at di tau manghihinayang at magsasabi ng "sayang".
    sapul ako sa ibang sinabi mo pero ngayon i've learned my lesson. Pasok lang ng pasok. sugod lng basts pinagiisipan para di manghinayang. :)

     
    At 10:18 PM, Blogger kennethzky said...

    sayang...hehe
    sa mga bagay na ginagawa natin kelangan may matatag tayo na "will" para di nasasayang mga bagay na ginagawa natin..pulos pagaalinlangan, minsan nahihiya, minsan takot lang talaga gawin ang isang bagay..eh pano kung tanggalin natin lahat ito at maging matapang sa pagharap sa ating mga araw-araw na suliranin at mga gawain..walang masasayang..sa mga pagkakataon na hindi tayo nagtatagumpay hindi ibig sabihin na ang pagkakataong iyon ay sayang..may natutunan tayo sa mga sitwasyong ganun..di ba hindi pa din sayang?
    konting alinlangan tanggalin..
    magkaroon tayo ng tinatawag nilang "testicular fortitude"..
    galing mo brother noy..

     

    Post a Comment

    << Home