NOY101

Ang kahulugan ng buhay ay nasa mga maliliit na bagay... yung mga sa tingin natin walang kwenta minsan bumubulaga nalang sa atin bigla, napakahalaga pala... Eto ang mga kawalang kwentahan ng buhay ko...tingnan niyo... malay niyo... mabulaga kayo...

Login (Username/Password) mabinidemolay mail
  • SIGN UP!
  • JOIN MABINIDEMOLAY YAHOOGROUP! (Yahoo ID needed)
  • Tuesday, October 12, 2004

    Grades: Tiisin o Alisin?

    Eto na... Eto na... malapit na sembreak... isa na lang ang humps na dadaanan para makarating sa lupang pinangako ng estudyante... Finals chong, quarter exam sa high school, mastery test sa grade school (Hello sa aking kaibigan na si Alfred na kakatapos lang magcheck ng Mastery Test, ang tanda mo na pare...). Haaaaay parang yung boss pagkatapos ng stage sa family computer, pag natalo mo may password ka... sa playstation pag natalo mo pwede ka nang magsave.... haaaaay finals, eto na... parang yung huling kanto sa mall na iikutin mo pag taeng tae ka na, makakaraos narin... haaay finals, parang yung huling push-up mo sa CAT, sa ROTC, parang yung huling exit sa highway bago mag-enchanted, parang yung... yung... yung... haaaaaay finals....

    Para sa marami humps sa daan, para sa iba naman dingding, tila kahit na wala kang mali sa exam bagsak ka pa rin... napag-isipan ko bigla ang lagi kong iniisip noong college ako pagdating ng finals, grades pare...

    Kailangan ba talaga? Ito talaga ang dahilan ng pamomroblema natin pagdating ng Oktubre... para sa iba na ang ugali ay sa mga exam lang magpupursige (umamin na, umamin na...), napakahirap ng buhay finals dahil sa grades, para kang Ateneo nagpatambak sa first half, hindi na tuloy mahabol... parang kumunoy (quicksand, bobo), na minsa'y paglalo mong pinipilit, lalo kang natatambakan, lalo kang nagkakamali... haaaaaay Ateneo (huy Noy, grades ang pinag-uusapan....) Ah, oo nga pala...

    Lagi nating napag-iisipan diba? Paano kaya ang buhay na walang grades... walang pinoproblema, walang hirap, walang kahit ano... kahit ganang mag-aral wala na... totoo kaya? O hindi kaya mas gaganahan ang mag-aaral kung walang ibang iniisip, walang pinoproblema, leksyon lang talaga...

    Hindi ba't mas kakayanin natin mag-aral kung talagang ang pinag-aaralan lang natin ang pinag-iisipan natin at hindi kung papasa tayo o hindi? Ilang beses nangyari sa klase na naputol ang isang napakagandang diskusyon, isang napakagandang debate, diskurso, dahil ang sabi ng guro "mahuhuli na tayo, kelangan natin matapos lahat bago mag-exam"... Pag-isipan natin, di ba't sa mga diskurso, sa mga debateng ito na nangyayari sa classroom, di ba't dun natin nararamdaman na nasa loob tayo ng leksyon? Di ba't doon natin nararamdaman na nalulunod, nakababad tayo sa mga kaalamang dapat nga nating matutunan?

    Aminin nating lahat, hindi lahat ng matataas ang grades sa paaralan ay nagiging matagumpay sa tunay na buhay... May naikuwento sa akin, mag-aaral ng Ateneo, gumawa ng marketing plan para i-relaunch ang pepsodent "naaalala niyo pa? ang tanda niyo!". Bumagsak sila sa panel, hindi daw maganda ang campaign nila dahil walang kaugnayan masyado sa produkto... nasaan sila? P and G pare, six figures ang kinikita, hindi kasama decimal point chaka comma ha...

    Hindi pa natin napapag-usapan ang mga dakilang milyunaryo ng pilipinas, diba shoe shiner lang si Henry Sy? Sabihin mo ngayon sa kanya na ang taas na uno ka sa calculus, na ninety nine ka sa trigonometry, isasampal niya sayo ang lahat ng SM sa Pilipinas... Magpakuwento ka kay Gokongwei ng grades, halos wala siyang maikukuwento, iba ang ikukuwento niya, Jack and Jill, Nissin's Ramen, Cebu Pacific, Manila Midtown, Robinson's Galleria... Totoo nga, may mga tao na ginagawa na lang, hindi pang-eskuwela...

    Pero hindi patas ang laban... dapat isipin rin natin ang iniisip ng guro. Marami akong kakilalang guro na hindi naniniwala sa grades bilang sukat ng natutunan, pero marami sa kanila ang nagsasabing kasabay nito, kailangan pa rin, "necessary evil" nga daw.

    Isipin na lang natin ang mundong walang grades, paano mo malalaman kung alam nga talaga ng mag-aaral, kung natuto nga sila... Oo, alam ko na hindi rin natin masyadong malalaman nang eksakto kung natuto nga sila kung gagamitin na sukat ang exam, ang quiz, ang homework, pero pano kaya kung walang grades... kutob nalang ng guro kung papasa ka o hindi? O kung hindi, lahat ng tao gagraduate? Papaano malalaman kung sino valedictorian? Pero teka, ang valedictorian nga ba ang pinaka magaling talaga? Haaaay finals... ang rami mong tanong na naungkat...

    Para sa akin, ang grades ay importante, pero higit sa kahalagahan ng grades ay ang kahalagahan ng pag-unawa ng bawat isa sa atin na hindi buong pagkatao, hindi buong kagalingan natin ang sinusukat ng grades... sa tingin ko'y importante na magpakahirap, magpursige, mainis kapag mababa ang nakuha, pero hindi sobra sobra na tayo'y magmumukhang grade (alam niyo na kung ano ibig kong sabihin diba? may naiisip na kayong tao diba?), na ang buhay college, ang buhay high school, ang buhay iskuwela natin ay umiikot sa mga letra o numero na isinusulat ng mga guro natin na hindi naman tayo ganun ka kakilala... hindi ba malungkot isipin kung ganito nalang ang magiging buhay natin sa paaralan...

    Sa madaling salita, mahalaga rin na huwag natin sabihin sa sarili natin, "ok na ang buhay ko, ok naman ang inuuwi kong grades sa magulang ko eh..." pag-isipan natin, diba kung ganito ang ugali natin, para narin tayong mukhang grade?

    May mundo pa pagkatapos ng finals, may mundo pa pagkatapos ng pag-aaral, may mundo pa pagkatapos ng grades... habang nag-aaral pa, ang hamon siguro ay ikutin rin natin ang mundong ito... unawain rin ang buhay sa labas ng libro, intindihin rin ang pakikipagkapwa sa mayaman man o mahirap, matutong magtrabaho nang maayos, maging sa bahay, sa organisasyon, matuto ng disiplina hindi lang sa pag-aaral, matuto ng responsibilidad sa lipunan, matuto ng salitang kalye, matutong kumain ng kwek-kwek, matutong uminom nang tama, tanggalin ang masama at gayahin ang mabuti... sa madaling salita, ang mahalaga sa buhay ay MATUTONG MABUHAY... Huwag tayong pakukulong, huwag tayong pakakahon, hindi lahat ng bagay nagegreydan...


    9 Comments:

    At 12:46 AM, Blogger mikesese said...

    another good blog to read!

    the best ka talaga Noy... idol ka talaga. tama si Kuya Noy, dapat "matutuong tayo mabuhay"... kung hinde tayo matutuong mabuhay na tama, puwedeng wala manyari sa atin.

    It is only us who can change, improve, or destory our life. We are the ones who are making our own future.

     
    At 12:46 AM, Blogger mikesese said...

    another good blog to read!

    the best ka talaga Noy... idol ka talaga. tama si Kuya Noy, dapat "matutuong tayo mabuhay"... kung hinde tayo matutuong mabuhay na tama, puwedeng wala manyari sa atin.

    It is only us who can change, improve, or destory our life. We are the ones who are making our own future.

     
    At 8:42 AM, Blogger Benigs said...

    grabe wagi ka... totoo ngang "necessary evil" ang grades at sana eh wala na lang... napaka-unfair dahil ang grades ay ba-se sa kung gaano ka kagaling magmemorize o mag-add o kung anuman at hindi ba-se sa effort na ginawa mo para makakuha ng disenteng grade. talagang pinaparusahan ng sistema ang mga kinapos sa brain cells at sobra sobra naman kung suportahan ang matatalino... buti na lang at hindi grades ang basehan ng success ng isa sa buhay... yun nga lang, nakaktulong din yun...

     
    At 11:58 PM, Blogger Kalowee said...

    idol! tama ka jan1 di lhat ng bagay nagegraydan! Minsan tlgang unfair ang buhay! khit gaano ka pa nghirap wla parin parang evrything is not enough. its so sad!

     
    At 4:58 AM, Anonymous Anonymous said...

    kung walang grades, pano mo malalaman kung tama ang pagkakaintindi mo sa isang subject? hmmm. tama nga, necessary evil siya.

    -cynthia

     
    At 10:06 PM, Blogger cAtHy! said...

    tama ka kuya noy!!galeng galeng..ndi naman dapat binabase sa grade ang ating pagaaral..gaya nga ng sabi mo, minsan kahit napakatalino ng isang tao ndi natin masisigurado na tagumpay cya sa buhay nya..ang tanging kailangan natin upang tayo sa maging tagumpay sa ating buhay..ay maging masipag lang lagi upang kahit anong gusto natin ay ating makamit..kagulo!ahahah

     
    At 8:58 PM, Blogger darc said...

    Yup d masyado kelangan ng grades pero parang tao yan na you can't judge a person because he's not a book but still ang grades ang parang cover natin ng book. it gives the first impression when applying but other people know better to read the book first before judging pero me iba pag pangit yun cover ng book d na babasahin. malaking factor pa rin kung pano mo dalhin ang sarili mo.

     
    At 2:50 AM, Anonymous Anonymous said...

    hey! speaking of grades, check out this site:

    http://akosipaeng.blogspot.com/2004/10/high-grade-chicken.html

    from a viewpoint of a teacher. :)


    cynthia

     
    At 12:52 AM, Blogger Lance A. Contreras said...

    Ang galing chong, nakakabuhay ka naman ng loob. haha. Pero tama ka, hindi naman lahat ng mataas ang grades yun yung nagtatagumpay e at hindi nasusukat ng grades ang kaalaman natin.

     

    Post a Comment

    << Home