NOY101

Ang kahulugan ng buhay ay nasa mga maliliit na bagay... yung mga sa tingin natin walang kwenta minsan bumubulaga nalang sa atin bigla, napakahalaga pala... Eto ang mga kawalang kwentahan ng buhay ko...tingnan niyo... malay niyo... mabulaga kayo...

Login (Username/Password) mabinidemolay mail
  • SIGN UP!
  • JOIN MABINIDEMOLAY YAHOOGROUP! (Yahoo ID needed)
  • Saturday, October 09, 2004

    Cable TV, Anong Ginawa Mo?

    Magkano kaya kailangan para magpalabas ng commercial sa tv? Hindi ko alam kung ganun pa rin talaga ang halaga, pero nung huli kong rinig, ilang milyong piso ang kailangan para sa isang buwan na pagpapalabas, depende pa kung anong oras mo ipinapalabas....

    Kung ganito nga talaga ang halaga at tumataas pa sa panahon, hindi ba natin napag-iisipan ang epekto ng Cable TV sa mga kumpanyang nagpapalabas ng commercial?

    Pagbigyan niyo ko.... diba lima lang ang channel dati? Sabi nga natin, pagnagkukuwentuhan sa classroom o sa trabaho, madaling magkaintindihan dahil kaunti lang talaga ang ipinapalabas nung panahon na yun... Masarap pagkuwentuhan ang Voltes V, Daimos, Wrestling, at kung anu-ano...

    Pero diba, kasama na rin dun yung mga commercial... diba hindi natin nakakalimutan halos yung commercial ng RA Home Video na may lumalabas na kamay ng zombie? Magpakalunod tayo sa isyung ito, mas madalas ngayon na kapag may napagkukuwentuhan na commercial, konti nalang ang mga nakakarelate, kasi ang raming channel diba? Kadalasan ang mga pinapanood natin iba-iba na, pati yung mga commercial na napapanood natin ang rami na, madali nang kalimutan ang mga padaan-daan lang na advertisement....

    Grabe nga naman ang cable... grabe ang ginawa niya sa "economics of marketing"... ang commercial na binabayaran mo ng ilang milyong piso para mapakilala ang produkto mo sa mga tao, hindi na masyadong napapanood... Buti pa dati, lima nga lang ang channel, walang masyadong choice, pero sigurado ka sa commercial mo, alam ng lahat pag magaling ang pagkakagawa... Pag-isipan natin kung ano yung mga pinaka-memorable na mga commercial at sigurado ko, mas marami tayong maaalala nung panahon na wala pang cable...

    O sige na, tutulungan ko na kayo... naaalala niyo ba tong mga to?

    Lumayas yung anak kasi sinira nung tatay yung gitara niya, tapos nagkabati sila nung tumawag yung anak galing sa phone booth ng PLDT "Sa bawat tawag mo, napapawi ang lungkot... sa bawat tawag mo... sumisigla ang puuussoooooo...."

    Oh nano nano, it drives me crazy, I really love what it does to me, sweet sour and salty, nano nano, nano nano...

    You wanna see what happens in a bag of nips, what goes on before they touch my lips, they make a rainbow (chocolate nips), a choco rainbow, (chocolate nips), and then they color all the flowers and they paint the trees, they're sweet and delicious look at all those bees, when I want fun I get a bag of nips and make a rainbow! Nips nips!

    Dragon katowl, dragon koong umusowk, lamowk siguradowng teypowk...

    It's not easy to be a nugget, you look like all nuggets do, they don't know what really matters is what's inside of you, I'm a purefoods chicken nugget, more chicken under my shell, a chunky, juicy, chicken delight, in every nugget bite...

    Nanay, nanay don't you cry, sa allowance ko pwede nang mabuhay, dahil sa chowking, meron meals tigtwenty nine ang pansit twenty five pesos lang, sixteen pesos can buy siomai, merienda noodles twenty four lang inay, chicharap fourteen fifty, halo-halo twenty four only, nanay nanay to you I sing, affordable and eatable sa chowking! (ang mura pa no?)

    Si Lita, anak ni Mang Teban, Kinidnap, ng mga tulisan, habol, mga katoto, at sa paghabol ay pumipito...

    Diba hanggang ngayon alam mo na ang royal tru-orange may beta-carotene panlaban sa cancer? Dahil Kay Francis M yun! Ito ang gusto ko!!

    Sama-sama nating abutin, pinakamatayog na bituin, at ang ating tagumpay, tagumpay ng ating lahi, tagumpay ng ating lipi, ang tanging minimithi at hinahangad, hangad kong tagumpay nating lahat...

    I remember yesterday, the world was so young (go dance with lola)...

    Si Nova Villa... 3d supermatic, plantsang thermostatic, 3d supermatic, may settings 1 to 6, 3d supermatic, di nag-ooverheat kahit anong fabric madulas walag dikit... 3D SUPERMATIC! Life-time heater plane, matipid matibay 3d, supermatic... wlang lusot ang gusot sa 3d supermatic...

    Superwheel... si Nova Villa uli, Labadami- labango... Labanayad din...

    Si alice dixon umiikot yung isang balikat sabay (I can feel it!)

    I'm gonna knock on your door, ring on your bell, tap on your window too!!!

    Knorr Chinese Soup! (There are Chinese soups and there are chinese soups, but there is nothing like Knorr Real Chinese Soup!) ...Just add one egg!

    Diba? ilang taon nang hindi lumalabas yung mga commercial na yun? Bakit natin naaalala? Sulit na sulit siguro yung mga Pilipinong kumpanya na nagpalabas nun dati, hanggang ngayon nagagamit nila yung pinambayad nila... Haaaaaaay....

    4 Comments:

    At 3:50 PM, Blogger Cynthia said...

    mwehehehe! ako ang unang magko-comment dito! (ako nga ba?)

    anyway, cable girl ako (meaning mas gusto ko pa rin ang cable). kasi ganito yun. naaalala ko halos lahat yung mga commercials na binanggit. siguro mga early 90's, yung mga series at movies na pinapalabas sa local channels, pinapanood ko iyon. naalala mo pa yung million dollar movie, regal films presents, maricel soriano drama, regal shocker, abangan ang susunod na kabanata, palibhasa lalaki (yung original cast with miguel rodgriquez, richard gomez at joey marquez), sic 'o clock news, takeshi's castle, eat bulaga (with tito, vic and joey), chibugan na, lovingly yours at kung anu-ano pa, pinapanood ko lahat yun. hindi pa stiff ang competition ng 2 and 7. kahit sandamakmak ang commercials ayos lang. (halata bang maka-channel 2 ako...)then ilang years/months bago lumabas ang cable tv, they started making shows na walang kabuluhan. i mean, totally walang substance. parang gaguhan lang. at sa totoo lang, nakakainsulto. okay lang isang comedy series isang gabi. pero yung tatlo o apat na gag shows sa isang gabi, 7 times a week?! nakakainis ha! no wonder they are called GAG shows, dahil puro kagaguhan lang. even the news! yung dating 1 hour news (na minsan pa nag-o-overtime pa) at 6pm, eh ilang beses ng na-adjust ang timeslot at ilang beses na ring na-reformat. parang kung pwede lang nilang tanggalin ang news, ginawa na nila. sorry talaga, pero naiinis ako at naiinsulto sa ginagawa nila, nakakainsulto kasi tingin ba nila sa akin tanga at yun lang ang maiintindihan ko?! iyon lang ang kaya kong i-appreciate?! kaya lumipat ako sa cable. no commercials, more substance. kaya kahit hindi ko sila maintindihan at hindi ko alam kung anong napanood nila sa local channel, atleast, alam ko na yung napanood ko ay may katuturan.

    naiisip ko nga eh, sayang lang ang binabayad ng mga advertisers (tama ba?), ang mahal ng per second rate ng commercial tapos hindi naman maganda yung show na iniisponsoran nila.

    ciao!

     
    At 9:16 PM, Blogger Cynthia said...

    may isa pa palang commercial akong gusto:

    merong happening dito araw-araw, merong happening sa dunkin donuts. tambay dito, tambay doon...

     
    At 5:01 AM, Blogger Kalowee said...

    kala ko nakalimutan ko na yung mga commercial na yun but as i read through what you wrote parang pkiramdam ko bumata ako uli. naalala ko ang nano nano, ang nips, ang gee your hair smells terrific at kung ano ano pa! haaaaayyyyy nkakamiss nga ang mga dating commercial

     
    At 10:20 AM, Blogger Benigs said...

    gusto ko 'tong post na ito kuya noy. parang wala na kasing nagpopost ng blog na light ang topic. parang puro mga seryosong articles na lang ang makikita sa lahat ng blog ng mga tao. dapat palaging merong message or morals, dapat "deep"... pero minsan eh kahit yung kababawan pinagpipilitang maging deep... hay sorry... medyo nasa ranting mood ako ngayon...

    natatandaan ko pa lahat ng commercial na yan... except yung sa chowking hahaha! ayos... pero meron akong nabasa noon na accepted na daw ng advertisers na big ratings in free tv aren't that big anymore. kaya dinadaan na lang nila sa flashy na commercial dahil kung hindi maganda ang ad, eh wala nang pag-asa ang produkto mo. agree ako dun sa nagcomment na si cynthia na medyo kasalanan na din yan ng mga local channels kung bakit kumaunti ang viewers nila. ang shitty naman talaga kasi ng ibang palabas when compared to the fare offered by cable tv. kaya heto ako ngayon, di na maka-relate sa mga commercial. hahaha!

     

    Post a Comment

    << Home