NOY101

Ang kahulugan ng buhay ay nasa mga maliliit na bagay... yung mga sa tingin natin walang kwenta minsan bumubulaga nalang sa atin bigla, napakahalaga pala... Eto ang mga kawalang kwentahan ng buhay ko...tingnan niyo... malay niyo... mabulaga kayo...

Login (Username/Password) mabinidemolay mail
  • SIGN UP!
  • JOIN MABINIDEMOLAY YAHOOGROUP! (Yahoo ID needed)
  • Sunday, September 19, 2004

    Usapang Cheeseburger - A Tribute to the Little Things

    Memories of College...

    Bakit kahit libu-libong beses ka nang kumakain ng cheeseburger sa mcdo, hindi ka parin matigil ng kakaorder?

    Kapag sa simula'y tila walang kuwentang tanong, pero ba't hindi natin hayaan malunod muna ng saglit sa kalaliman ng isyung cheeseburger... Bakit nga ba kahit siguro bali-baliktarin mo ang cheeseburger sa mcdo ay siguradong sigurado ka na kabisado mo na kung ano ang lasa... Hindi mo maikuwento, basta alam mo lang, di ba? Hindi naman sa araw-araw kang kumakain nito, kundi sa dinami-dami nalang ng pagkakataon, basang-basa mo na bawat kagat...

    Balik tayo sa tanong, bakit lagi mo pa rin inoorder? Dahil ba kahit na sawang-sawa ka na masarap parin? Dahil ba wala ka na lang talagang perang pangbigmac lagi? O Dahil ba masarap lang na sa pabagu-bagong mundo natin, meron kang mauuwian na alam mo, hindi guni-guni, hindi pagkalasing, pero alam mo talagang kabisado mo?

    Pagbigyan niyo ko... isipin natin lahat ng mga nakakatawang karanasan natin sa cheeseburger ng mcdo, mula sa sobrang bata pa tayo na hindi pa tayo pwedeng bumili sa counter, hanggang sa unang date (kunwari date pero nagkataon lang talagang magkasama kayo) ng crush mo, hanggang sa pagod na pagod sa quarter exam ninakaw mo pa yung fries ng kaklase mo, hanggang sa unang cheeseburger mong binili gamit suweldo mo...

    Ngayon, magkakapareho pa rin ba mga cheeseburger natin?

    Eto na yung tanung na malupet, bakit sa kasimplesimpleng bagay na nakasama natin ng maraming taon... kagaya ng cheeseburger... pag pinag-usapan natin ang ending madalas mapapagkuwentuhan natin ang karanasan, mapapakuwentuhan natin ang sarili... Bakit kahit libu-libong beses ka nang kumakain ng cheeseburger sa mcdo, bawat order mo bago pa rin... ibang cheeseburger parin?

    Ako, tingin ko, ang pinakaimportante sa maliliit na bagay, ay may sinasabi siya tungkol sa sarili mo na hindi guni-guni, dahil konkretong karanasan yun... Madrama man isipin, pag bumagsak career natin, pag bumagsak tayo sa major subject, pag-hiniwalayan tayo ng minamahal natin, sa mga punto ng buhay natin na damang-dama natin yung salitang "sakit"... mga maliliit na bagay na yun ang sumasalba sa atin... yung mga maliit na bagay na yun ang magsasabi sa atin na may kuwenta parin, dahil lang sa mga karanasan na naaalala natin sa kanila... tuwi-tuwi nalang tinitingnan natin yung picture sa bahay natin, tuwing minamasdan natin yung crucifix natin sa prm, tuwing nahahawakan natin yung unan natin... tuwing kumakain tayo ng cheeseburger sa mcdo...

    1 Comments:

    At 8:38 AM, Blogger kesico said...

    bakit paulet ulet kng kinakain ang cheeseburger? kse masarap.. nde nakakasawa. bkt paulit ulit akng nagmamahal kht nasasaktan? kse masarap magmahal..nde nakakasawa. bkt paulit ulit akng tumatakbo pag tumatawid? kse nakaka aliw.. nde nakakasawa. bkt paulit ulit akng nagnanakaw ng fries sa klasmeyt ko? kse masarap ang libreng fries.. nde nakakasawa. bkt paulit ulit? kse masarap.. nde nakakasawa..

     

    Post a Comment

    << Home