NOY101

Ang kahulugan ng buhay ay nasa mga maliliit na bagay... yung mga sa tingin natin walang kwenta minsan bumubulaga nalang sa atin bigla, napakahalaga pala... Eto ang mga kawalang kwentahan ng buhay ko...tingnan niyo... malay niyo... mabulaga kayo...

Login (Username/Password) mabinidemolay mail
  • SIGN UP!
  • JOIN MABINIDEMOLAY YAHOOGROUP! (Yahoo ID needed)
  • Thursday, September 30, 2004

    Usapang Cheeseburger 2 - Bagay Nga Lang Ba?

    Cheeseburger ng Mcdo, kasama buong buhay, naging karamay sa iba't ibang karanasan na minsa'y napakaliit lamang sa pagkamalay, minsa'y napakatinding lungkot ang naramdaman, minsa'y naging kasama sa sigla at pagdiriwang...

    Nagkaroon na ba kayo ng Mcdonald's birthday? Ako hindi pa... pero naiisip ko na kung nagkaroon ako ng ganun magiging isa siguro sa mga birthday ko yun na hindi ko makakalimutan...

    Ganun talaga ang mga maliliit na bagay, siguro kapag pinagsama natin lahat ng cheeseburger sa buhay natin, ang rami siguro nating maaalala... sabi nga nila, kung makakapagsalita lang yung bahay mo, yung kuwarto mo, yung kama mo (uy napangiti! baboy!), ang rami-rami sigurong kuwentong maisasalaysay ng bawat isa... Ito nalang siguro ang dahilan kung bakit umiiyak ka kung lumipat ka ng bahay, kung bakit may kakaibang pagkalasing ang kamalayan mo kapag pumapasok ka ng Bene, ng Ateneo (ay ako pala yun), mga eskuwelahang pinasukan niyo...

    Yung playground na may anim na malalaking ring ng semento parang tunnel... kahit bawal sumampa sampa parin... sa gitna ng playground may maliit na tree stump na minsa'y pinagkarate kid-an ko (hindi, hindi ako nahulog)...bakit kapag pumupunta ako sa gym ng Bene naaalala ko na ang tawag pa sa gym nayun dati "new gym", yung katabi covered courts... dun ako naggraduate, dun ako sinabitan ng medalya ng mahal kong mama...

    Bakit kapag pumapasok ako sa canteen namin, ang ERVoir, naaalala ko nung tatlong piso lang yung maliit na coke... nung may pizza na single slice, double, triple, at ang pinakatamang ingles sa lahat, ang porpol sandwich (apat na slice pinagpatong)... bakit ang naaalala ko ang shawarmahan, ang mongolian, ang sizzling (bakal o styro?)...

    Bakit kapagnagkukuwentuhan kami ng mga kaibigan ko, bumabalik sa amin ang mga maliliit na bagay nung dati... lima palang ang channel nun, kaya sa classroom kapag may pinaguusapan na palabas, alam ng lahat diba? Hindi lang si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior, pati na si Bad News Brown chaka si Koko B. Ware ang mga pinapanood namin dati... Bakit laging lumalabas na mas maganda ang lion team kaysa sa vehicle team ng voltron? pero kahit anong gawin nila hindi parin nila tatalunin si Voltes diba? Bakit kahit banas na banas na tayo sa pangalang Erika at Richard pinapanood parin natin ang isang robot na bentilador ang boobs...

    Bakit pinagkukuwentuhan lagi nung hindi pa masyadong sikat si Michael V., tropang trumpo pa... Battle of the Brainless... United Merican Diki-diki... wash your bikini brief... payabangan pa kung sino pa ang nakakaalala ng Valiente, Anna Luna, Agila, Ula (aminin naaaaaaaa.... nanood din kayooo.....). Bakit pinag-aawayang kung ano ang mas maganda sa visionaries, inhumaniods, centurions o silverhawks (visionaries naman talaga diba?)... Bakit naglalaban kung alin sa comic strip ang pinakamaganda at naiinis paghindi yun yung palabas... (uy nag-iisip, apat yun....)

    Bakit inaalala pa ang tono, ang lyrics, pati na ang mga galaw ng mga sayaw (marami to...): Howgee (tenentenen!), Informer, Angelina, Oh Carol, Macarena, Shalalala, Hello Africa, Ice Ice baby (press release, memorize yun ng kuya ko!!!AHAHAHA), supersonic, You can't touch this, pray...

    Bakit inaamin na kahit baduy nagustuhan natin yung mga: I swear, Fixin a Broken Heart (SHET TAMA NA!!), It might be you, Forever (damage), Lost in Space at iba pa....

    Sige isip... nakakapagpangiti diba? hindi mo maipaliwanag... kahit pagnapakalungkot ninyo mapapangiti kayo? Bakit kaya?

    Ang mga maliliit na bagay ba na ito ang gumawa sa buhay natin? Sa pangmalakihang larawan, HINDI naman talaga diba? Pero mga larawan sila na nagsasabi sa atin na naging bata tayo, naging masayahin, naging mahilig sa gintong pagkain, naging tayo.... tunay na tayo... Nakakangiti dahil ibang iba na tayong lahat ngayon, malamang kung anuman tayo nung bata tayo ay tuluyan nang nawala kasama ng panahon at karanasan... pero nakakapagpangiti dahil ang mga maliliit na bagay na ito ang bumubuhay sa dati nating buhay, bumubulaga sa atin sa mga ugaling nakalimutan na nating naging ugali natin, mga iba't ibang pagkatao natin na talagang nangyari...

    Ang hinihingi ko siguro sa inyo, payong kapatid kung gusto niyong tawagin, wag nating itapon kahit ano sa mga alaala, wag magsayang ng cheeseburger... hindi natin alam sa mga susunod na mga suliranin natin sa buhay, kakailanganin natin ilabas yung emosyong naramdaman natin nung namatay si ultimate warrior dahil binuhat niya si andre the giant, hindi natin alam kung kelan kakailanganin natin tawagin yung pagkatuwa nung una tayong nakatiikim ng nerds sa canteen...

    Sa madaling salita, huwag nating itapon ang pagkabata natin, ang karanasan natin... Tayo rin yun...

    3 Comments:

    At 7:06 PM, Blogger darc said...

    Tama ka Noy, visionaries nga, nung bata ako isip ko ako yun eagle (pangalan non?) yun comic strip street frogs, tiger sharks at little monsters lng alam ko eh, haaay miss ko un lalo na he-man, ghostbusters, MASK, dino riders, duck tales, smurfs at snorkels

     
    At 3:37 AM, Anonymous Anonymous said...

    bro noy.. tumpak ka sa mga sinabi mo. ang pagkabata ay di dapat malimutan. sariwain ito upang sa susunod na henerasyon ay maishare mo ito..
    pero my nakalimutan kang sabhin tungkol sa mga palabas.. nakalimutan mo ang takeshis castle na ang nag host ay si anjo at smokey manoloto!...

    bo salamat nainspire ako sa mga isinulat mo.. nasabi kasi saakin ni aaron ang tungkol dito!..

    a brother from abad!..

     
    At 11:41 PM, Anonymous Anonymous said...

    hay nako noy..sarap talagng mag balik tanaw sa mga nakaraan lalo na sa pagkabata..may nakalimutan kang banggitin dun..all about the disney babies, pare! Bwahahaha..isa sa mga bagay na hindi pwedeng mawala sa buhay ng isang bata! gudjab noy!!! -pek-

     

    Post a Comment

    << Home