NOY101

Ang kahulugan ng buhay ay nasa mga maliliit na bagay... yung mga sa tingin natin walang kwenta minsan bumubulaga nalang sa atin bigla, napakahalaga pala... Eto ang mga kawalang kwentahan ng buhay ko...tingnan niyo... malay niyo... mabulaga kayo...

Login (Username/Password) mabinidemolay mail
  • SIGN UP!
  • JOIN MABINIDEMOLAY YAHOOGROUP! (Yahoo ID needed)
  • Wednesday, September 29, 2004

    Starbucks vs Nescafe : Mall at Sari-sari store

    Nagkaroon ba kayo ng pangarap dati na magmay-ari ng sari-sari store? Puwede niyo kong tanungin, "San na naman nanggaling yang tanong na yan, Noy? Eto na naman, pagbibigyan ka na naman diba? Sige, magsalita ka na at nang matapos na, haaaaaaaay."

    Habang lahat tayo ay nag-aaral ng high school, college, ano ba ang mga pinapangarap natin? Maaaring mali ako sa ibang tao, pero tingnan ko lang kung swak yung paglarawan ko.

    Pagkagraduate ko, magtatrabaho ako sa maayos na korporasyon... Proctor and Gamble... kung sinuwerte Accenture, J. Walter... Simpleng pangarap lang, makapagStarbucks lang na sarili kong pera gamit ko, makapagmall at bumili ng isang bagay linggu-linggo, paminsan-minsan magmamagandang restaurant, yun... trabaho pa rin... Kung magkakaroon ako ng negosyo gusto ko bar, gusto ko restaurant, gusto ko sobrang innovative pagnakita ng mga kaklase ko dati sasabihin nila "Chong kaklase ko may-ari niyan dati."

    Lehitimong pangarap, laganap na pangarap, karaniwang pangarap... yung mga mahihirap ganito rin kaya ang pangarap nila? Yung 90% kaya ng populasyon natin, alam kaya nila yung starbucks? Alam kaya nila yung Accenture? Maliban sa pagaabroad ano kaya ang mga pinapangarap nila?

    Ang punto ko siguro ay ganito... ang mga pinapangarap natin, dahil lumaki tayo nang ganito, ay ganito na nga, Starbucks, Accenture, minsan sinasabi pa sa sarili "hindi ako magcacall-center kahit kelan! Dignidad ko nalang yun..." Napakasuwerte ng dignadad natin at pagpili lamang kung bangko, call center, o ibang kumpanya ang pinoproblema... Sa negosyo ang mga pinapangarap natin yung mga nakikita sa mall, yung mga nakakagulat pagnamasdan, yung mga puwede natin yayain o di kaya ipagmayabang sa mga kaibigan natin...

    Balik ako sa tanong ko, ano kaya kung mangarap tayo ng sari-sari store? Mabubuhay kaya tayo kahit wala tayong anak? Maayos na bahay hindi siguro, pero maliit na bahay kaya kaya? kung isasabay mo ng regular na trabaho?

    FACT: May kakilala akong sidewalk vendor na ang kita P20,000.00/month (idol!).

    Kung ang mga mamamayan kaya ng Pilipinas, kahit saglit lang alisin ang tingin sa mga starbucks at mall ng lipunan, malingid lang sandali at alalahanin na may nescafe pa rin sa bahay, na may sari-sari store parin kung san walang magandang tatak, pero puwede na... kung ibaba kaya natin ang mga pride natin at wag muna nating sabihin "Para saan pa yung pinag-aralan ko?"

    Uulitin ko tanong ko, kaya kaya kung may sideline akong sari-sari? hindi Zagu ha, hindi Quickly... Sari-sari store... Sa mga nakakaintindi "Small ang medium enterprises...."

    Sa kauna-unahang pagkakataon, magiingles ako sa blog ko tungkol sa ekonomiya...

    Maybe, if we start looking for ways to strengthen our economy's foundation by building up the small and medium enterprises: the small stores, the rice suppliers, the meat and fish vendors... If we can build a stable world for them and make them realize that their businesses would give them the kind of life they can be content with, if we prioritize cementing them into our country's weakening economy... Maybe then we can have the economic stability we need to create big franchises, enormous enterprises, that can cater to the people with small businesses as well as create jobs that specialized college graduates can aspire for....

    Let us think about it, please... in a country where everyone is poor, do we really think that Starbucks is the answer? In upholding enterprises, the products of which only the upper echelon of purchasing power may avail of, aren't we effectively killing off more than 90% of the population as consumers and ultimately 90% of the target market? Business majors, college graduates, ano sa tingin niyo?


    3 Comments:

    At 9:12 PM, Blogger aaRon said...

    financial freedom!!.. thats what every filipino is dreaming of.. wala namang yumayaman sa isang pagiging isang empleyado lang.. kahit ang isang CEO ng kompanya ay naniniwala dito dahil hindi tayo kikita nang maayos dito.. unless korupt tayo.. dyan maraming yumayaman!... sa maliit na tindahan na ikaw naman ang boss at hawak mo ang iyong oras.. kung gusto mo matulog! matulog ka! kung gusto mo umalis umalis ka muna!.. diba.. napakasarap isipin na ikaw ang my hawak nang oras mo kapag ikay maari ng isang kabuhayan..?? kabuhayang makakapag sasalba sa ekonomiya at pamilya.. makakpag salba sa pananakop ng mga dayuhang namumuhunan dito sa bansa na walang ginawa kundi mag payaman!!..

    sana lang tayo na ang yumaman!!..

     
    At 9:47 PM, Blogger daryll said...

    tama... smalls and medium scale business is the way to go! we neglect these thing in our dreams but in reality it would be the one that saves us! the problem for most of us is we think big and we want to start big agad! good job nanaman!

     
    At 12:14 AM, Blogger makYmaC said...

    Bro, I know you don't know me but of course I would introduce myself. Ako po ay si Maky, bro ni Karl at prend ng ibang prm. :)

    Anyways, i was amazed by this blog which you made. "astig" if i am to describe. I really agree with what you said here. Tinamaan ako dun sa call center part. Oo nga, i don't want to see myself working in a call center but to think na I could achieve something better than that. My point is, which influenced by this blog, we should be contented with what we have and yet don't lose hope in achieving more and continue to strive to have a "simple" life (whatever the definition of "simple" for us).

    Yun lang cguro. Thanks and keep it up. Regards nga pala kay Sheena :)

    Godbless, bro.

     

    Post a Comment

    << Home