NOY101

Ang kahulugan ng buhay ay nasa mga maliliit na bagay... yung mga sa tingin natin walang kwenta minsan bumubulaga nalang sa atin bigla, napakahalaga pala... Eto ang mga kawalang kwentahan ng buhay ko...tingnan niyo... malay niyo... mabulaga kayo...

Login (Username/Password) mabinidemolay mail
  • SIGN UP!
  • JOIN MABINIDEMOLAY YAHOOGROUP! (Yahoo ID needed)
  • Wednesday, September 22, 2004

    Gawan Natin ng Paraan: Ugaling Pinoy

    Naaalala niyo ba yung unang punto sa buhay niyo na naging idol niyo na talaga yung tatay niyo? Maaaring bata pa kayo nun, teenager na, o maaaring hindi niyo pa nararamdaman... Yung panahon na namulat kayo: "Ang hirap ng buhay, pero may pagkain kami, tahanan, maaayos na damit... ang hirap ng buhay.... nagawan niya ng paraan..." Ewan ko rin kung nangyari na sa inyo, pero da ba't kung isipin natin ang mga ito'y di mapipigilang nag-aalab ang katauhan natin...

    "Ginawa niya yun, para sa amin..."

    "Pare, mula ngayon, lahat ng gagawin ko, gagawin ko para magkaroon ng maayos na buhay ang pamilya ko... magmula ngayon ang direksyon ng buhay ko, sarili, pamilya... kahit anong kelangan gawin, para sa kanila... gagawa ako ng paraan..."

    Ibang klaseng pagkamulat, ibang klaseng tindi ng damdamin... pero aminin natin... ang ganda diba?

    Nakakagulat isipin na dahil sa kahirapan ng buhay dati ang lalo na ngayon, nagkaroon tayong mga Pilipino ng ugaling kapag ihinalo natin sa nakatatak na sa ating pagmamahal sa pamilya ay napakadiin ng kahulugan... Minsa'y nakakatuwa na rin isipin na dahil sa hirap sa buhay ngayon, nakakagawa pa rin tayo ng paraan.

    Pagbigyan niyo uli ako... lunurin muna natin ang sarili natin sa isyu ng ugaling Pinoy na ito na sa umpisa'y tila walang kupas sa kagalingan...

    Nanood ako ng Imbestigador, ano ang nakita ko: taong nagbebenta ng mata para mabuhay ang pamilya... taong kumakain ng daga pag walang ani... taong gumagawa ng bahay gamit styro, tinatali sa lubid at nagmimistulang bangka ang bahay na nakaangkla sa pier... taong nagpapabayad sa bahay ampunan para sa kanyang anak...

    Gumawa ng paraan... kay gandang ugali... pero bakit parang nakakalungkot isipin sa ganitong paraan?

    Pila sa LTO (Op, Op, Op, alam niyo to lahat...) inip na inip lahat... mag-iisang oras kanang umiikot, nagpamedical, umihi sa tasa pang drug test, nagpapicture, etc. banas na banas ka na ang tagal ng lisensya mo... nakita mo may dumaan, si Alan, kilala mo siya, yung tito niya taga LTO, walapang bente minutos na nakaupo siya sa aircon na looban na nakalagay "authotized personnel only", nasakanya na lisensya niya... haaaay....

    Gumawa ng paraan... kay gandang ugali... pero bakit parang nakakainis ang talaga naman nangyayari...

    May nagsabi sakin na magaling na manager, kasama siyang nagsulat ng agrarian reform/microfinancing act ng isang congressman... sarap na sarap siyang gawin kahit mahirap dahil importante ito sa ikagaganda ng bansa... pagdating sa meeting for awarding, lahat ng application forms para sa programa nito'y binasa niya... Nyek, iisa ang apelyido, o kaya nagkapareho sa middle name... tiyo, tiya, pinsan, pamangkin, hipag ng congressman... tuwang tuwa ang mga kapamilyang dumnalo rin sa meeting, nang tinanong ng manager "pano na ang bansa?" sabi ng mga kapamilya ng congressman "wala naman nakalagay diyan sa act ha? ang linaw ng regulasyon, kung sino lang nag-apply!"

    Gumawa ng paraan... kay gandang ugali... bakit bumabaho pagnakita sa bulok na sistema...

    Pero bakit hindi natin masisi pagminsan? PAMILYA EH! "Pare, yung tatay mo diba? Idol! kahit anong gawin, basta para sa kanila... gagawan ko ng paraan..." Balibaliktarin natin ang mundo, mahihirapan tayong tanggalin sa Pilipino na kapag dinahilan ang pamilya, gumuguho ang kahit anong magandang argumento, ang kahit anong rasyonal na panlaban... Tignan natin mga sarili natin, yan oo, ikaw, ako, sa atin lahat nanggagaling ang kakilala system na ito... sa ating pagkaobsessed sa tunay na magandang ugali...

    ang galing ng Pilipino... sa sobrang panatiko... magandang ugali nagkakaroon ng masamang bunga, bunga nito'y sistemang kumukulong sa mga taong hindi kapamilya, hindi kaibigan... tinatanggal sa hindi kabagang, hindi kagrupo ang karapatan ng cariƱo, karapatan sa tulong, at minsan pa nga, karapatan per se...

    Sana makita natin lahat ang kagandahan ng ugaling Pinoy na ito, pero mas lalo nating tandaan na ang pagpapabaya sa ganitong ugali ay nagbubuhay ng bulok na sistema, sistemang kukulong sa mahihirap na maging mahirap pa lalo dahil hindi natin sila kapamilya, sistemang bumubuhay sa gobyernong kamag-anak lang ng mga opisyal ang kumikinabang... Isang sistemang guguho sa sarili nito dahil sa kahinaan nating umabot... umabot nang lampas sa pamilya, lampas sa kaibigan... LIPUNAN ang tawag dun... KOMUNIDAD ang tawag dun... ano nang huli nating nagawa...

    Sa pagbibigay ng tulong sa pinsan, sa kapatid, sa brod, sa kaklase... sa pagpapalakad ng papeles... sa pag-interview ng aplikante sa trabaho... sa paggawa ng obligasyon natin sa opisina, sa eskuwela... sa organisasyon... sa desisyon nating pangaraw-araw, tandaan natin, sa atin manggagaling ang mali, sa atin manggagaling ang tama...

    GAWAN NATIN NG PARAAN... TAMANG PARAAN...

    1 Comments:

    At 8:24 AM, Blogger kesico said...

    minsan kailangan mong kumapit sa patalim pra maka ahon. minsan kht hindi tama ang paraan, cge lng ng cge pra umahon... pro un nga.. kailangan tama ang paraan.. hirap nian kuya noy! ahahahahahahaha

     

    Post a Comment

    << Home