NOY101

Ang kahulugan ng buhay ay nasa mga maliliit na bagay... yung mga sa tingin natin walang kwenta minsan bumubulaga nalang sa atin bigla, napakahalaga pala... Eto ang mga kawalang kwentahan ng buhay ko...tingnan niyo... malay niyo... mabulaga kayo...

Login (Username/Password) mabinidemolay mail
  • SIGN UP!
  • JOIN MABINIDEMOLAY YAHOOGROUP! (Yahoo ID needed)
  • Wednesday, September 29, 2004

    "Eh Kami nga Tingnan Mo, Andito Pa Rin"

    Nasa bene ako, galing akong alumni office, nakita ko si Ms. Rosales chaka si Mrs. Santos. Baliktanaw... grabe... eleven palang ako nung teacher ko si Ms. Rosales, twelve nung grade six, kay Mrs. Santos... "HI MA'AM!"

    "uy! kamusta kana?" Halata mong mukha na lang ang naaalala, coach ko to sa math contest nung grade school ha, hindi lang teacher... haaay ano nga bang nangyayari malipas ang isang dosenang taon...

    "Ma'am, nag-aaral na po ako uli... Master's sa Ateneo."
    "Talaga nga naman, mabuti naman! Bakit ka nandito?"
    "Retreat po."
    "Tignan mo nga naman bigla lang talagang bumabalik sila lagi, magugulat ka na lang."
    "Eh baka magulat nga kayo ma'am, sa susunod nagtuturo nako dito sa college"

    At may sinabi si Mrs. Santos na hinding hindi ko makakalimutan... Hindi lang kung ano yung sinabi niya, kundi yung paraan ng pagsabi niya... maaari siguro hindi ko na makalimutan... walang pagtaas ng boses, walang pagtaas ng emosyon, normal lang sa kanya, na parang araw-araw niya sinasabi yung sinabi niya...

    "Bakit hindi? Eh kami nga tingnan mo, andito pa rin."

    Napag-isip ako, sa sobrang tindi ng isip ko hindi na man lamang ako nakapagpaalam sa kanila, mga dati kong guro, mga nag-aruga sa akin, umalis na parang wala lang nangyari, tuloy sa pagplano ng kung anumang proyektong pinag-uusapan nila... tuloy-tuloy na parang hindi na bago sa kanila ang kanilang ginagawa, na parang buong buhay nila yun na lamang ang ginagawa nila....

    Paghanga ang sumunod, hindi konting paghanga, pagtingala ng bata sa kapatid na nakatatanda...

    Nagbabasketball ka sabi ng kakampi mo, "Tira mo lang, rebound ko yan..." ganung pagtingala...
    May nang-away sayo sabi ng kuya mo, "Ituro mo, sino?" ganung pagtingala...

    Buong buhay ko tinuro sa akin ang pagnegosyo, ang maging magaling sa lahat ng gagawin, ang ambisyon, ang pangarap... lahat ng magagawa natin para magkaroon ng hindi lamang sapat kundi maayos na buhay para sa pamilya...

    Malamang tinuro rin sa inyo yun...

    Pagbigyan niyo ko, iliko at magpakalunod muna tayo sa isyu ng ambisyon sa buhay... paumanhin pero nakita ko mga guro ko, sinabi ko sa sarili ko, "Sila, gets nila eh, gets nila..." Ilan sa atin ang pupunta ng ibang bansa para lang buhayin ang kung sino mang magiging pamilya nila? Ilan sa atin dito ang sumuko na sa bansa natin nabubulok? Ilan sa atin dito ang nangangarap ng paghihirap para sa tamang sahod? Ang nangangarap para sa marangyang buhay na Amerika ang makakabigay?

    Nung bata ba kayo, naririnig niyo ba madalas sa magulang niyo, "Mag-aral ka ng mabuti anak, para makapagabroad ka? Wag Mass Com anak, Nursing... walang pera diyan..." Oo alam ko, hindi ako nagbubulag-bulagan, ganito na nga talaga ang takbo ng bansa...

    Pero ganun paman, pagbigyan niyo pa rin ako... habang lahat tayo nag-iisip kung paano magabroad, kung paano magkaroon ng marangya at maayos na buhay, andun yung mga teacher ko nung grade school, hala turo... binubuhay ang buhay na isinalpak sa kanila... at habang binubuhay nila ito, binubuhay nila ang Pilipinas nating nabubulok... Sila ang mga nagpapakaherkules na umiilalim sa gumuguhong gusali... sila ang pundasyon ng bansang walang pundasyon...

    Konti nalang po, pagbigyan niyo ko... tanungin natin sa sarili natin, ang buhay ba na tinutungo ng buhay ko ay magiging buhay na makabuluhan sa akin hanggang sa kadulu-duluhan? Siguro ang gusto ko lang sabihin, ngayon, lamang na lamang sa ibang panahon, ngayon kelangan ng mga tao, hindi lang tao kundi mga taong magagaling, na huwag umalis... Na kalimutan na ang pagtatrabaho sa ibang bansa at harapin na kung yayaman ako, yayaman ako sa isang bansang wala kang pag-asang yumaman... kung mabubuhay ako, hindi bilang magaling na empleyado ng puting amo, kundi magaling na empleyado na maliit ang suweldo, kaya lamang ang simpleng buhay, pero buhay kayumanggi...

    Last na po, pagbigyan please... hindi ba't kung ang mga taong ganito ang saloobin at kaisipan sa buhay, kung marami tayong ganito, hindi ba't nakakahawa? kung maraming Herkules sa pilipinas, guguho pa kaya? kung ang marangyang buhay lang ang ibubuwis kapalit ng isang dignidad na kayumanggi para sa mga anak natin, hindi kaya natin kayang magpakaherkules?

    "Eh kami nga tingnan mo, andito pa rin" Mga katagang hindi ko makakalimutan, kasimplesimple at walang pakialam ang pagkasabi, ngunit nakaagpalakas ng loob ng isang taong pagod nang magreklamo, pero hindi pa sumusuko sa sariling bayan...

    Hindi man nila marinig, pinapangako ko, pagmatanda na ako at malapit nang mamatay, maganda man ang hinihigaan ko o pangit, Mahal na hospital room man o common room, nandun parin man ang yaman ko o hindi na... ibubulong ko sa sarili ko, "andito pa rin, andito pa rin."

    4 Comments:

    At 9:25 AM, Blogger Benigs said...

    tama ka dyan kuya noy... parang ang daming pinoy ngayon, pera na lang ang iniisip. sarili na lang nila ang iniisip. kahit yung mga magagaling, yung mga may kaya talagang baguhin ang sitwasyon ng ating bayan, yung tinatawag mo na mga Herkules, umaalis ng ating bansa dahil andun daw ang pera. parang wala na talagang gustong magtiis. at yung mga natitira ditong nagtitiis sa sitwasyon natin, nawawalan na din ng pag-asa dahil sa nakikita nilang paglisan ng mga pinoy. parang napaka-hopeless na ng bayan natin... sana naman hindi ganun ang mangyari...

     
    At 3:52 PM, Blogger Cynthia said...

    "...tanungin natin sa sarili natin, ang buhay ba na tinutungo ng buhay ko ay magiging buhay na makabuluhan sa akin hanggang sa kadulu-duluhan? Siguro ang gusto ko lang sabihin, ngayon, lamang na lamang sa ibang panahon, ngayon kelangan ng mga tao, hindi lang tao kundi mga taong magagaling, na huwag umalis... Na kalimutan na ang pagtatrabaho sa ibang bansa at harapin na kung yayaman ako, yayaman ako sa isang bansang wala kang pag-asang yumaman... kung mabubuhay ako, hindi bilang magaling na empleyado ng puting amo, kundi magaling na empleyado na maliit ang suweldo, kaya lamang ang simpleng buhay, pero buhay kayumanggi..."

    masakit ang katotohanang maraming pinoy ang umaalis ng pilipinas dahil sa kawalan ng pag-asa. at dahil lamang ito sa isang simple at napakakomplikadong rason: pera. kailangan mo ng pera para may ipambili ka ng pagkain sa iyong anak. pano ka magpapaka-herkules kung ang anak mo ay umiiyak dahil sa gutom?

    iyong mga taong nagtitiis mabuhay sa pilipinas ay 1) complacent, o 2) hindi pa rin nawawalan ng pag-asa at nangangarap pa rin na magiging maayos ang lahat. mahirap maging complacent dahil tanggap ka lang ng tanggap sa kung ano ang ibigay sa iyo. marami akong kilalang ganyan. wala na silang pakialam.

    pero sana nasa ikalawang kategorya sila. idealistic pa rin kung baga. hindi mo mapapakain ito sa anak mo pero ito magtutulak sa yo na gumawa ng paraan para maging maayos ang buhay ng pamilya mo.

    salamat sa mga taong tulad mo, idealistic pa rin. hindi pa rin nawawalan ng pag-asa sa pilipinas. :)

     
    At 8:08 PM, Blogger aaRon said...

    sa mundong ito sinabi ng ating supremo na walang masarap sa mundo.masaya lamang. kaya kahit na mahirap masaya pa din. tama ka dun bro!.. kung lahat tayo mananatili dito upang tulungan ang bansa.. sigurado! marami din ang yayaman at giginhawa.. parang ganito yan eh? ang isang bote ng coke pag naubusan at ikay nabilaukan anu pang iinumin mo? diba?.. gets??..
    matulong-tulong para sa pag sulong!!!...
    sulong mga kapatid! yun lang po!..bow!

     
    At 3:23 AM, Blogger cAtHy! said...

    kuya noy ,mei isa pang dahilan kung bakit cla umualis dito sa sarili nating bansa. kahit na alam nilang cla'y kelangan dito. napipilitan pa rin clang umalis dahil kahit gaano ka katalino, ndi ka aasenso dito sa bansa natin..kya ung mga ibang tao na umaalis dito kahit na labag sa kalooban, cge pa rin cla..ginagawa nila un upang mabigyan nila ng magagandang buhay ang kanilang mga pamilya.kahit na dulot nito sa kanila ay matinding kalungkutan dahil mapapalayo sila sa mga mahal nila sa buhay!whehe..seryoso ko..

     

    Post a Comment

    << Home