NOY101

Ang kahulugan ng buhay ay nasa mga maliliit na bagay... yung mga sa tingin natin walang kwenta minsan bumubulaga nalang sa atin bigla, napakahalaga pala... Eto ang mga kawalang kwentahan ng buhay ko...tingnan niyo... malay niyo... mabulaga kayo...

Login (Username/Password) mabinidemolay mail
  • SIGN UP!
  • JOIN MABINIDEMOLAY YAHOOGROUP! (Yahoo ID needed)
  • Thursday, December 22, 2005

    The Day I Grew Up... Magpapasko na....

    Aalis na ako bukas....

    Unang paskong wala sa Pilipinas... Nakakainis, nakakalungkot... hindi ako masaya, hindi makapahinga utak ko... ang raming nangyari ngayong taon... Kadalasan ginagamit ko ang Pasko upang alalahanin kung tama ba ang takbo ng taon, kung ano kelangan kong baguhin at kung ano ang kelangan kong ipagpatuloy... Para maintindihan ko lang kung bakit may natapos at may natira.... kung bakit maraming nangyari, ngunit mas lalong maraming puwang na nabuksan at kelangan mapunan...

    Buong taon wala akong ginawa kundi magreklamo tungkol sa sarili ko... sa buhay ko... kadalasan hindi ako maniwala sa sarili ko na sapat na ang ginagawa ko para sa ibang tao... para sa pamilya ko... para sa opisina... para sa paaralan... para sa banda... para sa demolay... para sa student council... eto na nga nangangalahati palang ako sa listahan ng prioridad ay nakukurot na ang isip... tinatamad na...

    Noy, kapag nawawala ka... hanapin mo lang cheeseburger mo...

    Shet.... eto na.....

    The Day I Grew Up

    I woke up one december morning and realized that this was the year in which a multitude of things took place, changed, and bombarded me... broke my life apart and magically melded it back together. I've cried more tears this year than I have cried in a decade. Laughing comes easy to a person like me, but this year, I found it hard to laugh too much... It made me stop to think that maybe I was losing my lust for life... that maybe I was looking in the wrong places for happiness. And then the roller coaster ride began....

    I've never been overly serious with anything in my entire life. I've always regarded things as they come, never too hot, never too cool. But this year I seem to have fallen into a certain kind of monotony that only I recognize, and the warning lights and sounds went haywire...

    But now that I've thought about it... I've just realized something... this was the year that I grew up...

    "What doesn't kill you makes you stronger." Friedrich Nietzsche ( and Bamboo in an interview)

    I've only thought about it right now, which means I have been growing up, but haven't realized it until this very moment... and if I haven't realized it until this moment, I cannot even begin to have it materialize in consciousness until now... therefore....

    This is the day that I grew up....

    This is the day that my progress in life doesn't anymore depend on how much fun I have, but on how much fun I am ACTUALLY having when I'm trying to have fun....

    This is the day that I thank God for all the times I was drunk, for now I have the power to reinvent myself into someone apart from alcohol...

    This is the day that happiness is measured not by how happy you were when you were drunk last night, but by how happy you are when it's time to wake up and do the things you do everyday... how happy you are doing what you do for a living... and realizing that YOU HAVE TO DO SOMETHING FOR A LIVING BEFORE YOU DO SOMETHING YOU LOVE... lucky are the people who can do both at the same time... Therefore, this is the day that I learn to love my work...

    This is the day I confront friends about what I hate about them, and then prove to them that I'll stick with them no matter what to prove that they should trust that I'm right.

    This is the day that I stop playing safe and learn to stand up for my mistakes instead of just making them.

    Today is the day I say to myself: "to hell with everything else... I'm literally almost done with half of my life so I wouldn't have to listen to what non-important people have to say... "

    This is the day I thank my friends... I've seen three close friends leave for the states this year, and many others planning on permanents in the near future... it won't be long til I have to bid farewell to those friends I would have spent the best of my life with... I need to wake up and grow up with them so we just don't have high school and college stories to talk about when we get old.

    Above all... this is the day I stop making excuses for myself... today, I shut up and just live the way I'm supposed to live... because no one will live for me anymore....

    Pasko na... Aalis nako...

    Wednesday, May 11, 2005

    Humalik sa Araw

    Lu·na (lū'na) n. Roman Mythology. The goddess of the moon. [Latin Lūna, from lūna, moon.]

    WordNet (r) 2.0 (August 2003) :

    lunatic adj : insane and believed to be affected by the phases of the moon

    Easton's 1897 Bible Dictionary :

    Lunatic probably the same as epileptic, the symptoms of which disease were supposed to be more aggravated as the moon increased. In Matt. 4:24 "lunatics" are distinguished from demoniacs. In 17:15 the name "lunatic" is applied to one who is declared to have been possessed. (See DAEMONIAC.)

    Mga puti talaga, palibhasa dun sa Rome laging malamig, ibang iba angpakiramdam nila kapag dumating na ang hatinggabi... kakaibang kadiliman at kangatog-ngatog na lamig... Kaya naman siguro ang tawag nila sa baliw ay lunatic, "nasaniban ng gabi, ng kadiliman, ng lamig..." Sa isang sinaunang mundo sa may kanluran, nabuo ang paniniwala na lahat ng kabahuan at kalokohan ng tao ay lumalabas sa gabi, kapag bilog ang buwan...

    Natural lamang na ang mga paniniwalang ito ay nakahanap ng paraang umabot sa kultura ng mga Pilipino. Kahit na walang impluwensiya ng ibang bansa, ramdam naman siguro natin ang kulong lumalabas sa atin kapag gumagabi, dumidilim, walang masyadong nakakakita, walang masyadong nakakaalam. Nakakabaliw isipin ang mga pwede mong gawin kapag iniisip mong walang makaalam, walang parusa...

    Pero may bagong uri ng kabaliwan na nauuso sa atin ngayon choooong....

    ANAKNAMPOOOTCHA ANG INEEEEEHT!!!

    Sa mga kaibigang nagtatrabaho, masasabi ba natin sa ngayong panahon na ang buong isip natin ay nakatutok sa sari-sarili nating mga responsibilidad sa trabaho? Masasabi ba natin na ang mga nagsusummer-classes ngayon ay nagbibigay ng malaking halaga sa pinag-aaralang asignatura? (siyempre hindi, binagsak niyo lang yan kung isang buwan eh, take two na...) Masasabi ba nating naging matipid tayo at maingat sa pera ngayong mga panahong ito...

    Aminin na natin... masarap magbakasyon... kahit na wala ka nang bakasyon, masarap pa rin... Tara Boracay, Puerto! (shet hindi pa ako nakakaganun ngayon...) Panandaliang nawawala sa isip ng mga Pilipino ang tambak tambak na problema at mas tumatambak pang mga obligasyon... Mababali na ang atm, huwag lang makahingi sa magulang... Sangdamukmok na dahilan para sa bakasyon, pahinga sa trabaho, long time no see ang mga dating kaibigan, may mga bagong kaibigan na kabonding, company outing... hanep chong... babad na babad...

    Hindi lang siyempre ang paglabas sa mga beach ang tinutukoy ko... nararanasan ko ngayon na kahit na nagtatrabaho na ako at wala nang summer vacation, sa ganitong panahon parang may pinaghalong grasa at baby oil yung bulsa ko... pare ang dulas ng wallet ko, paggising ko sa umaga hindi ko na alam kung bakit wala na akong pangKFC (kasi naman paanim-anim ka kung kumain ng chicken eh)... malakas kita ng RAFS!!!! wala kasing masyadong iniisip, at kung may iniisip man, aminin natin, madalas nating maisangtabi kapag summer...

    HAAAAAY ANG INEEEEEHT!!!!!

    Ngayon na iniisip ko, karamihan ng mga extreme situations ng buhay ng Pilipino nangyayari kapag summer... Kahit tanungin natin ang PNP, mas madalas ang occurrence ng daytime traffic incidents kapag tag-init... Kahit wag nang tanungin, magmaneho ka lang sa may makati ng 12noon para maglunch, mawawalan ka na ng ganang kumain... Parang isang oras pa lang pagod ka na, kumpara sa tatlong oras mong ginagalaw nung December. Ang pasensya mo naman, tatlong beses ang inikli... matanong ko nga, ilang beses na kayo nakipag-away sa waiter, guard, at attendant sa kung anu-anong lugar ngayong summer? Mainitin ang uloooooo... Nakakabaliw na araw yan

    Sa pagbabakasyon rin naman dati ako nagenjoy ng pinakatodong pag-enjoy ng buhay ko... Nandiyan yung paliliguan mo ang sarili mo ng beer, trip lang pare, pwede ka naman tumalon sa dagat eh... Still standing after 15, party hanggang madaling araw, halos maiyak kayo sa tuwa, diba? Nakakabaliw na araw talaga...

    SOL

    In Norse mythology, Sol was the goddess of the sun, a daughter of Mundilfari and Glaur and the wife of Glen. Every day, she rode through the sky on her chariot, pulled by two horses named Alsvid and Arvak. She was chased during the day by Skoll, a wolf that wanted to devour her. Solar eclipses signified that Skoll had almost caught up to her. It is fated that Skoll will eventually catch Sol and eat her, though she would then be replaced by her daughter. en.wikipedia.org/wiki/Sol_(goddess)

    Wala namang tinatawag na "solatic" diba? Pero merong nababaliw sa araw, marami...

    Mag-iwan ng pang-uwi ngayong summer, baka pagkatapos magbakasyon, magluwag ng disiplina at maglimot ng responsibilidad, hindi niyo na mahanap kung paano bumalik...

    Monday, February 21, 2005

    Mga Linya ng Buhay

    Limang taon na akong nagsusulat ng mga kanta... (Ang galing no? pero hindi pa rin lalagpas ng limang kanta ang nagagawa ko...) Gaano man kakaunti ang mga nasulat ko mula noon hanggang sa kasalukuyan, sigurado akong hindi ko man lamang maiisip mag-umpisang magsulat kung hindi sa dalawang tao... Si Jewel at si Barbie...

    Dalawang babaeng hayop magsulat... sabi nga nila, hindi mo talaga malalaman ang tunay na mga mensahe ng mga manunulat ng kanta kung ang alam mo lamang na linya ay yung mga linya nung sikat nilang kanta... yung napadalas sa radyo... sa madaling salita, mas mabubuklat mo ang mga saloobin nila kung bubuklatin rin at pakikinggan ang mga kantang hindi popular, mga hindi narinig sa countdown, mga hindi ginawan ng mtv... yun na nga ang ginawa ko...

    Kaya heto... mga linya sa mga kantang dinaanan lamang habang hinahanap ang Belinda Bye bye... Linaktawan lamang nung mahanap na ang Hands at Foolish games...

    Mga linya ng buhay... by Barbie and Jewel...

    "Lend your voices only to sounds of freedom
    No Longer lend your strengths to that which you wish to be free from
    Fill your lives with love and bravery and you shall lead
    A life uncommon."

    "It's dark and I am Lonely
    Only Coz I have time to be lonely
    It's dark and I am lonely
    Coz I've the money to be lonely."

    "We are given to God to put our faith therein
    But to be forgiven we must first believe in sin."

    "Little boy blue, lost his shoe, one day paddling in the water...
    He cried and he cried, he cried and he realized that it's more fun to run without shoes."

    "We've made houses for hatred, it's time we made a place
    Where people souls may be seen and made safe...
    Be careful with each other, these fragile flames
    For innocence can't be lost, it needs to be maintained."

    "Why do we listen to a pretty paper doll,
    we are missing our whole life...
    Run to the mountain, and feel the ground on your feet
    And you can say you are alive."

    "When you find yourself falling down
    Your hopes in the sky but your heart like grape gum on the ground
    And you try to find yourself
    In the abstractions of religion and the cruelty of everyone else
    And you wake up to realize
    Your standard of living somehow got stuck on survive"

    "These aren't pains, the burdens I cradle
    They have names, and now I am able...
    To face them, change them, or bless them...
    ....
    Healing's from the Inside...
    When I look close enough I see...
    Healing's from the inside...
    Peace is in a place within me...."

    "And when you're standing in deep water
    And you're bailing yourself out with a straw
    When you're drowning in deep water
    And you wake up making love to a wall
    Well it's these little times that help to remind
    It's nothing without love"

    Tuesday, February 08, 2005

    Flavor of the Month

    Isang buwan at limang araw ang dumaan, bulaga! eto nako...

    Gusto ko sanang ikuwento sa inyo kung bakit ako nawala... medyo iba na ang orasan ng buhay ko pare... nagkaroon na ng kakaibang ikot ang mundo ko chong... ang tawag... Rafs77...

    Ngayon ko nararamdaman na buhay ako... na ang lahat ng pinag-aralan ko, bigla nalang nakikibagay na sa bagay na ginagawa ko mismo... para bang nagising ako bigla, nakampucha di na pala ako nananaginip...

    Bakit naman di ako magyayabang... lahat ng bagay kung saan magaling ako, ginagawa ko... umiinom, nagbibiro, nagpapakulo (naaalala niyo nung nagtapon ako ng benteng sakong yelo sa swimming pool ko?), tumutugtog, naghahanap ng tumutugtog, nagsasabi kung ano ang pagkaing bagay sa beer, gumagawa ng mga promo na bagay sa manginginom... sa madaling salita... ginagawa ko ang gusto ko...

    Napaisip tuloy ako (Anaknampotcha naman noy, ok na kuwento mo biglang napaisip ka na naman?)... diba sa totoo lang naman buong buhay natin ginagawa natin ung mga maliliit na bagay na gusto nating gawin? sa tingin ko, kung maliliit na bagay ang pag-uusapan, mukha yatang lahat tayo nagawa ang gusto natin....

    Yung bayaw ko nahihilig ngayon sa pagbihis ng awto... yung isang bayaw ko sa motor... yung isa sa mga ate ko sabi sa kin "Eh... Flavor of the month eh..."

    Totoo nga... Flavor of the month ang buhay ng tao... parang bar... diba? Sa umpisa ang isang bar, ang sarap inuman... sasabihin mo pa... dito na ko lagi... kasi at home ako... tapos biglang magsasawa ka rin.... wala kang nakikitang bagong gimik... wala kang nakikitang bagong renovation... kung iisipin natin, nabulok na sa isip mo yung bar... kagaya rin nito ng mga flavor of the month ng buhay natin... example? aba... magaling si noy diyan.. GAME!

    ang bote ng gatorade, pag-ubos na ang laman, may gamit pa... naaalala niyo ba nung nauso ang napakacool na "takip ng gatorade"? TIK TIK TIK TIK TIK TIK!!! sa mga hindi nakakarelate, sori na lang...

    Sa mga taga bene, naaalala niyo ba nang ibinintang ang pagkapossess ng kalulwa ng mga kaeskuwela natin sa magic cards? haaaaay.... ilan rin ang naloko diyan.... kasama nako dun... TAP! DONE!

    Nung 80s naman tayo... Panini sticker albums... CHOOOOOOONG... kelangan niyong bumili ng napakaraming sticker packs para lamang pakumpleto ang isang album tungkol sa marvel, dinosaurs at kung anu-ano pa (dun ko natutunan kung ano ang brontosarus, brachiosarus, at archeopteryx.)

    Pabata nang pabata... eh yung... PENCIL CASE NG HAPON!!! yung may anim na pindutan (uuuuuuuuuy..... lima lang yung sa inyo no???) lalagyanan ng eraser, thermometer, incline ng lapis, magnifying glass at kung anu-ano pa...

    Masarap maging bata no? teka lang... puwera muna biro...

    Odds sa Nba... may mga nagdaan dito diba? ayos talaga pare... pinukaw ang interes, nauso... yun nalang ang ginagawa mo ng ilang buwan, may napulot ka ba?

    Networking!!! Ayos pare, konti lang ang kilala kong tumatagumpay dito, pero meron... sa mga ibang sumubok at gumamit ng oras at hindi nagtagumpay... mmusta na? Flavor of the month diba?

    Marami pang ibang flavor of the month... pero alam niyo kung ano ang naisip ko? masyadong masarap ang buhay... ang rami nang mga palusot ang pwede nating sabihin a mga pamilya natin para magpalabuy-laboy... napakrami nang mga rason ang puwede nating sabihin para maging tamad... sa panahon ngayon, hindi na natin alam kung paano makita ang pagkakaiba ng Flavor of the month sa obligasyon... kung ano ang pagkakaiba ng gusto sa kailangan...

    Kelan ba natin huling sinabi sa nanay natin na "ma... naghahanap naman talaga ako ng trabaho eh... Kaya ko naman mag-aral ma eh.... nag-eenjoy lang ako..."

    Spoiled ang bagong henerasyon... spoiled tayo hanggang sa kaibuturan... wala nang masyadong pressure na mahanap ng bagay na didikitan mo sa buong buhay mo... siguro mas karapat-dapat na terminolohiya... wala nang pressure na maging tapat sa iisang trabaho, sa iisang kumpanya nang buong buhay mo... wala nang tiwala... wala nang pagkakatiwalaan...

    Hanggang kailan tayo puro Flavor of the month... Kailan matatapos ang Tamiya, ang magic cards, ang playstation, ang cellular phone, ang spoiler ng awto, ang PDA, ang bagong gadget sa PC, ng mas mataas na suweldo... Kelan natin aaminin sa sarili na kelangan natin aminin na ang mundong tinitingnan natin ay masyadong malaki para tahakin natin habambuhay... kailan tayo malalagay sa tahimik... pag kinasal ba tayo? marami sa atin, stuck pa rin sa Flavor of the month... sa hilig... sa gusto...

    Maikli, simple... nakahanap nako ng flavor na panghabambuhay... hanap na rin kayo...

    Tuesday, January 04, 2005

    Bagong Taon, Lumang Kuwento

    Ayos mga kaibigan, buhay na naman po tayo...

    Parang ang tahimik ng mundo ngayon, no? Pumunta ako sa town center kanina, chong... WALANG TAO... Pumasok ako sa mga store... WALANG BUMIBILI...

    O, ano, nagsawa rin kayo no? Naghahanap ng magagawa? Trabaho lang muna ba?

    Ganito na lang, paalala lang natin sa sarili natin na 2005 na... mas mararamdaman siguro natin kung gaano na katanda ang mundo natin kung gagawin natin to, tara na, dalhin ang pinakabatang miyembro ng pamilya at makipagkuwantuhan... eto, mga kuwentong puwede niyong gamitin...

    "O, anak, musta ka na... alam mo anak, 2005 na!!! Grabe, akalain mo!"

    Alam mo ba Anak...

    fifteen years ago, asa bahay ako, akala ko lasing lang ako, pero pagtingin ko sa relo ko, tanghali lang pala... Shiyet anak! LUMILINDOL! Paglabas ko ng bahay sobrang raming natataranta... hindi mo naranasan yon anak pasalamat ka... hanggang ngayon may mga nagmumulto sa baguio, maraming namatay dun....

    Fourteen years ago naman anak, grabe, akala ko mag-eend of the world na... diyos ko, paglabas ko ng bahay akala ko nagsosnow sa Pilipinas "HOMAYGAHD! EESAMEERAKOL!!!" Hanaknampoocha anak ashfall lang pala... siguro hindi mo na alam yang salitang yan pero yung mga kapanahunan ko alam yan, pumutok si pinatubo anak... nung panahon na yun mas sikat ang relief goods sa px goods, ang tagal na puro lahar na lang ang laman ng joke ng tao... leche talaga....

    Pero alam mo ba anak, naaalala ko rin naman yung mga iba, hindi disaster...

    Thirteen years ago anak, nagkaroon ng election, alam mo ba anak, alam mo ba na ayung tinatawag niyong lukaret ngayon... oo yung defensor... yung miriam... alam mo ba muntik nang manalo yan... aba oo anak... pangalawa yan kay Ramos, alam mo ba yan ang Roco nung panahon noon, siya ang binoboto ng mga taga-UP, ng mga guro, ng mga edukado... ANO? Hindi ka na naman naniniwala sa akin? Dinaya pa nga yan eh, kaya tingnan mo, hanggang ngayon kahit si Gloria na ang pangulo, si Ramos pa rin ang inaaway....

    Twelve years ago anak, eto anak, twelve years ago anak... eto, papunta kaming dinner nang nanay ko nasa awto kami nakikinig ng radyo, siyempre ang sikat na stasyon nun 93.9 WKC chaka 97.1 LSFM palang... Hay naku anak, galit na galit ang nanay ko... grabe... sabi niya "Sino ba yang bastos na yan at ngayon lang akong nakarinig ng kantang tagalog na may mura!! HAY!" Shiyet anak, ang tagal na nga pala... O diyos ko, ano ba naman ito...

    Ano anak? Hindi ka naniniwala? Naknanghayoptongbatangito... Kayo talagang mga bata ngayon, namulat lang kayo sa mabilis na buhay hindi man kayo nag-isip kung paano ang buhay dati, alam mo ba nung bata ako lima lang channel? Teka nasabi ko na yata, ay hindi pa pala, ay....

    Haaaaaaaay, ganun na pala katagal no? Wala lang...



    Wednesday, December 15, 2004

    Bibig: Sayang, Sipag, Talino, Tamad...

    Sayang, sayang, sayang...

    Discussion sa klase, hindi ka masyadong nag-aral, bad trip talaga o, pero biglang nung nagtanong yung teacher, sabi sayo ng utak mo "SHET! ALAM KO YUNG SAGOT!", nagdalawang isip ka, yun nga ba? Baka magtaas ako ng kamay mali pala, sigurado ba ako o hindi? kelangan tama pagnagsalita ako... Taas ang kamay ng kaklase mo, sinabi yung sagot mo, tama... Sayang. Hindi ka naman talaga nag-aaral sa subject na yun eh... alam mo pa naman....

    Group project, pumipili kung sino gagawa ng kung anong trabaho, may ipinapaayos na interview, nagtatanong ang groupmates kung sino gagawa... eto na naman... "May kakilala ako eh, pwede", nagdalawang isip ka... teka lang, baka sabihin nila epal ako, o baka magcommit ako pero hindi ko magawa, sayang rin panahon ng gimik no, parang hindi ko na nga ata kaya, kaya ko ba? Biglang salit yung isa, siya ang gumawa, palpak, late, panget, sira ang grade niyo... Sayang, hindi naman madalas ang ganong pagkakataon, kaya mo pa naman...

    May matagal ka nang katrabaho at kaibigan, at may gawain siyang hindi mo talaga masikmura... maliit na bagay pero lagi-lagi nalang niyang ginagawa, kelangan mo nang sabihin sa kanya, eto na, pero teka... nagdalawang isip ka... maliit na bagay lang naman eh, grabe naman ang pasensya ko kung di ko mapagbigyan.. baka masira lang... lumipas ang panahon, sa sobrang hindi mo gusto unti-unting hindi mo nalang siya kinagimik, kinabarkada, kinasama... Sayang, di naman dapat siya masasaktan eh, sasabihin mo lang...

    Pansinin natin, ilang pagkakataon na sa buhay natin ang nasayang natin...

    Ang hindi talaga maalis-alis sa utak ko ay ito... marami na akong kakilalang tao sa buhay ko, wala ni isa sa kanila ang matuturi kong bobo... walang alam... marami na akong nakikilala sa buhay ko pero wala pa akong nakikitang taong tunay na masama... Ano ba ang nagpapaiba sa bobo at magaling na tao, sa masama at mabuti?

    Sayang... madalas nga naman nating sabihin sa iskuwela dati, ok lang na ganito grade ko, alam ko naman yan kung aralin ko lang eh, mas mataas naman yang grade na yan kung pinagmabuti ko lang eh... laging alam natin na kaya natin di ba?

    Ang galing... ngayon nga naman ang mga nakikita kong naging matagumpay sa buhay ay hindi yung mga matalino nung high school, hindi rin naman yung mga nagkakakaso, hindi mo maikakahon sa isang kategorya, halu-halo, chop suey... Pero may napansin ako sa kanila, may isang bagay na pare-pareho sa kanilang lahat: Hindi sila nakontento sa salitang SAYANG... Eto yung mga taong natutong sumagot sa klase kahit alam nilang pwedeng maging mali ang sinasabi nila, eto yung mga taong tanggap nang tanggap ng trabaho at kasabay nito ang pagtanggap ng responsibilidad kung sakali mang hindi matagumpay ang naging resulta ng kanyang pamumuno, minsan nga lang natatalo, dahil sinisigurado niyang panalo... Eto yung mga taong hindi makatulog sa gabi kakaisip kung paano sasabihin sa kaibigan ang hindi maganda sa kanyang ugali upang mapaunlad ang sarili, kahit gaanong puyat ay bukas gagawin niya ito...

    Madalas nating naririnig ang mga kuwento ng mga taong hindi magtagumpay tagumpay kahit na anong negosyong pasukin, stuck sa iisang trabaho habambuhay. Nagkaroon ba kayo ng pangarap na mapasok sa isang linya ng trabahong parang mailap sa buhay ninyo? pag-aartista, musikero, manunulat, negosyante, restaurant owner, napakarami... Nagkaroon na ba kayo ng ideya na sobrang ganda at hindi kayo makatulog sa gabi kakaisip? Negosyo, trabaho, buhay... Alam kong malabo pero alam niyo na ang mga sinasabi ko... mga panahon sa buhay na nabubulaga tayo ng mga kaisipang hindi pa natin naeenkwentro kahit kelan... mga bagay na madaling mabaon sa pagdadalawang isip...

    Sabi sa akin ng kapatid ko dati... kapag hindi ka makatulog sa gabi kakaisip sa "eureka moment" mo, huwag na huwag kang gumising na wala kang gagawin... dahil aminin man natin o hindi, hindi lang ang tagumpay at pagkabigo ang mahalaga sa buhay... kung paano natin dinanas ito, isa sa mga pinakaimportante ang paraan ng pagdanas... Minsan ang sarap ng pagpunta sa Baguio ay ang mga tanawin na nakikita mo sa oto, mga kinakainan niyong stopover, yung picture niyo sa tabi nung malaking leon... Masarap pumuntang Hongkong, pero yung paraan kung paano magcheck-in sa airport, kung paano pumila sa immigration, kung paano hanapin ang gate, kung paano magantay, yung mga yun ay dadalhin natin kahit kung sa America, sa Europe, o sa Namibia man tayo pumunta... Minsan talaga... sa takot natin tungkol sa isyu ng tagumpay at pagkabigo, nakakalimutan natin na mahalaga rin pala yung pinagdadaanan natin, manalo man o matalo... Sayang...

    Bakit nagiging matagumpay ang isang tao? Dahil ayaw niyang naririnig ang sayang. Dahil alam niya na pagkatapos ng lahat, hindi talino lang ang magpapapanalo sa buhay, hindi lang ito ang bibilangin.

    Pag nasabi na ang lahat ng masasabi, ang pinakamahalaga ay hindi pa rin nasasabi, nagagawa lamang ng kaloobang mapagkawang gawa... Maaari kang manalo sa anumang debateng salihan mo sa tambayan, sa bahay, sa inuman, pero saan ka pupulutin pagkatapos ng ilang taon... sa mga panahong hindi na mahalaga kung sino ang may tamang sagot...

    Sayang... Salitang Pilipino... Walang diretsang kapalit sa Inggles, bakit kaya?

    Monday, December 06, 2004

    Usapang Cheeseburger 4 - Mata

    On and on everyday we walk...
    And wake up wanting to give up
    Countless hours a day we spend
    Asking questions years on end

    Not a second though we shed
    in light of an ancient friend
    that seems to me we should give praise
    For now I'll show in countless ways...

    I don't believe we've shoveled in
    How strong our eyes have been...
    Millions of tears from them have flown
    Even those we have not shown...

    Countless joys and blood and sweat...
    and love and hate these eyes have met...

    From end to end our lives unfold...
    From front to back the stories told...
    And while we question why we wake
    Not one complaint our eyes will make....

    Warriors that behold what they detest...
    Our eyes were never made to rest....
    Though hearts and minds have grown tender
    Eyes still see, and can't surrender...


    Bigla ko lang naisip... grabe na yung naranasan ng mga mata natin no? Naaalala niyo nung bata pa kayo? Inosente, walang kaalam-alam no? Hanggang Voltes V chaka transformers lang ang abot ng kamalayan mo diba? Ang pinakamalapit na sa pisikal na karahasang nakikita mo WWF...

    Ang haba na nga ng narating natin... At gaya ng dating-dati ko pang sinasabi, kahit mga magulang natin hindi na lubusang nakikita at nararanasan ang mga bagong bagay na nararanasan natin ngayon... Naaalala niyo ba kung anong mga pangarap niyo nung bata kayo? Kung ano yung mga sinasabi sa inyo ng mga magulang niyo dati... Diba Doktor? Diba Attorney? Diba Negosyante? Naaalala pa ba natin yung panahon na halos ito lang ang pinapipilian natin? Ang galing no?

    Eh ngayon ano nang namamalasan ng mga mata natin? Isang bansang pabagsak sa gitna ng pagsulong ng mga iba't ibang bansa sa tabi nito.... Isang panahon na Napakaraming trabahong mapagpipilian, pero konti lamang talaga ang nakukuha... Hayan na! nakita na rin ng sarili nating mga mata... mga kursong IT, Nursing, Archi, Engineering, Management Engineering, Chemical Engineering, ABCD (ano nga ba yun?), Diplomatic affairs, Interdisciplinary studies, Environmental Science, Foreign Language, Developmental Studies, Sociology and Anthropology... AAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!! Mama, kala ko ba magdodoktor lang ako....

    Hindi lang yan ang namalasan ng mata natin, nakita rin niyang unti-unting sakupin ng mga dayuhan ang mga utak ng mga kabayan niya... MTV, Channel V, ETC, ESPN... Unti-unti niya nang nabalitaan sa tenga natin na wala nang tunay na Filipino... Kahit mga Filipino Graduate daw ay hindi na makapagderetso ng Filipino... At ang mga nagboblog daw na Filipino ang gamit makata na daw... di-pangkaraniwan... ayus diba?

    Nakakita rin siya ng patayan... hay, napakaraming patayan... pinakamalakas na bansa sa mundo'y namalasan niyang tirahin sa kapusu-pusuan ng mga galit na kaaway... luha, dugo... Nakita niya ang sariling pangulong pinaalis ng mga taumbayan at nang pinalitan ito'y nakit rin niyang subukan pa ring paalisin... mga sasakyang sinusunog... mga taong nambabato at binabato...

    Nakakita siya ng mga kaibigang hindi nagkatrabaho... Nakakita siya ng kaibigang nabaon sa utang, at naligo sa yaman... nakakita siya ng mga pamilyang nagkawatak, nakakita siya ng kamag-anak na namatay... nakakita siya ng magulang na nagkasakitan... Nakakita siya ng mga kaklaseng maagang nabuntis at nagpakasal....

    Mula sa bulkang sumasabog hanggang sa bagyong nananalanta... mula sa buhay na marangya at buhay na lugmok sa putik... mula sa mga maaayos na kaibigang walang asenso, hanggang sa mga kinaiinisang nagtagumpay... mula sa matatalinong nag-adik, hanggang sa mga bobong yumaman... Pangungutang, pagbabayad, yakap at suntok, nabaon at umahon....

    Ang lugi ng mga mata natin no? hindi pwedeng sumuko... Pwede lang pumikit para matulog, sa kaalamang magigising siyang muli upang danasin pa ang iba't ibang susunod na mangyayari....

    Kaya siguro madalas tayo nagkakaproblema... dahil dumarating na tayo sa punto ng buhay natin na halos lahat nakita na natin... Alam niyo kung bakit tayo nagkakaproblema? Kasi hindi natin matanggap na ganito ang buhay na kelangan nating buhayin... Aminin man natin o hindi, minsan o madalas man mangyari sa ating, iniisip pa rin nating tumakas, naghahanap ng mga bagay nahindi pa natin nasusubukan upang layuan ang mga kapangitan ng buhay....

    Hindi ko naman sinasabing pangit ito... siyempre kailangan gumawa ng paraan... pero ang gusto ko lang sigurong sabihin ay kelangan pa rin tayong tumahak... kelangan pa rin nating subukan man lang mabuhay sa buhay na ibinigay sa atin... Bawal sumuko... tandaan natin... yung mga mata natin di tayo iniwanan... di tayo pwede sukuan... Sila mismo ang magsasabi sayong minsa'y masarap ang mahirap, at mahirap ang masarap... paikot-ikot lang ang mundo... bukas, paggising mo, siguradong may kasabay kang gigising... minsan nauuna pa sayo... Bigyan natin ng karangalan ang mga mata natin... Sabihin niyo sa puso't isip niyo, makicooperate naman sila...